Ang Bayan » Enrolment para sa taong 2024-2025, bagsak nang 3 milyon

September 9, 2023


Ikinabahala ng Alliance of Concerned Teachers ang nairehistrong tatlong milyong pagbagsak ng bilang ng mga nag-enrol para sa taong 2024-2025. Ayon sa talaan ng Department of Education, nasa 25.9 milyon pa lamang ang nakapag-enrol noong Setyembre 5, mas mababa ng tatlong milyon sa 28.8 milyong target na bilang ng estudyante para sa taon. Nagsimula na ang klase noong huling linggo ng Agosto.

Aminado ang DepEd na marami ang hindi nag-enrol ngayong taon, dagdag sa mga estudyanteng nasa mga lugar ng sakuna.

Liban pa dito, hindi pa rin sinosolusyunan ng DepEd at gubyernong Marcos ang taunang kakulangan ng klasrum. Ngayong taon, tinatayang nasa 159,000 klasrum ang kulang, 189,324 ang sira at kailangang kumpunihin at 21,727 ang di na magamit.

Ayon sa ACT, kulang din ng 13 milyong upuan ang mga eskwelahan. Nananatili rin ang kakulangan ng mga titser at iba pang mga tauhan sa mga paaralan. Sa kabila nito, abala ang kalihim ng DepEd sa pagtatanggol sa hinihingi niyang “confidential at intelligence fund” na anito’y para sa “pambansang seguridad.”

“Nasasapanganib ang kinabukasan ng ating mga bata, at di natin pwedeng hayaang may maiwan ni isa,” pahayag ng ACT. “Nananawagan kami sa bise presidente at DepEd na pagtuunan ng pansin ang problemang ito kaysa sa pagsarbeylans sa nakikita nitong mga kaaway.”

Bago nito, binatikos ng ACT ang DepEd sa pag-amin nitong ginamit nito ang pondong confidential at pang-inteledyens para “imonitor ang sarili nitong personel at mga estudyante” na kunwa’y may kaugnayan sa “pagrerekrut” ng Bagong Hukbong Bayan sa mga pampublikong eskwelahan. Inamin pa ng isa sa mga upisyal ng kagawaran na mayroon itong sinasarbeylans diumano na 16 na pampublikong hayskul kaugnay nito.

Binatikos ang paniniktik ng DepEd sa sariling tauhan at mga estudyante maging sa Senado.

“Hindi kailanman lehitimong target para sa pang-eespiya ang mga bata,” ayon kay Sen. Risa Hontiveros. “Kasama sa pagtitiyak na ligtas ang ating mga bata ang pagtitiyak na malayo sila sa potensyal na abuso mula sa sarbeylans ng estado.”



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Poorest Regions, Least Healthworkers – IBON Foundation

The country’s health worker distribution for 2021 showed

UN Adopts Resolution Condemning Quran Burning | News

Some Western countries expressed their opposition to the anti-blasphemy laws