Ang Bayan » Hustisya, giit ng mga grupo sa pagpatay sa brodkaster sa Misamis Occidental

November 6, 2023


Sama-samang nagprotesta at nagtirik ng kandila ang mga grupo ng mamamahayag at estudyante sa harap ng Commission on Human Rights sa Quezon City kahapon, Nobyembre 5, para manawagan ng hustisya sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon. Si Jumalon, batikang brodkaster sa radyo sa Misamis Occidental, ay binaril at napatay sa kanyang bahay sa bayan ng Calamba habang “on-air” ang kanyang programa. Nakunan pa ng bidyo ang aktwal na insidente.

Kilala si Jumalon bilang DJ Johnny Walker ng 94.7 Calamba Gold FM. Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), na nanguna sa protesta, si Jumalon ang ika-4 na mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng rehimeng Marcos. Giit ng grupo, dapat itong labis na kundenahin dahil naganap ang pamamaslang sa mismong bahay ng biktima, na siyang nagsisilbi ring kanyang istasyon ng radyo.

Naganap ang pagpaslang ilang araw matapos gunitain noong Nobyembre 2 ang International Day to End Impunity For Crimes Against Journalists. Si Jumalon ay maituturing na ika-199 na biktima ng pagpatay na may kaugnayan sa pamamahayag simula 1986. Ang Pilipinas, sa ulat ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na Global Impunity Index 2023, ay ika-8 sa pinakamapanganib na lugar para sa mga mamamahayag. Kabilang ang bansa sa listahang ito sa nagdaan 16 na taon.

Kabilang sa dumalo sa protesta ang mga mamamahayag pangkampus ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), mamamahayag ng Altermidya network at mga grupo sa karapatang-tao. Binatikos din nila ang pakitang-tao na pagkundena ng rehimeng Marcos sa krimen, habang nagpapatupad ito ng mapanupil na mga patakaran laban sa midya at malayang pamamahayag.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: DOH disowns circulating FAKE story promoting unregistered hypertension ‘cure’

A Facebook (FB) page posted an article supposedly based on

Illegal recruitment scam victims troop to DMW, NBI to seek justice

Media Release12 July 2023Illegal recruitment scam victims troop to DMW,