Ang Bayan » Inarestong drag artist, nakalaya na

October 7, 2023


Nakalaya ngayong araw ang drag artist na si Pura Luka Vega (Amadeus Fernando Pagente) matapos magpyansa sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Article 201 of the Revised Penal Code. Kinasuhan siya matapos ang umano’y pambabastos sa relihiyon sa isa niyang pagtatanghal. Binatikos ng mga grupo ng LGBTQ+ at artista ang hindi makatarungang pag-aresto sa kanya.

Si Pura ay inaresto noong Oktubre 3 sa kanyang bahay sa Santa Cruz, Maynila. Aniya, wala siyang natanggap na subpoena o pagpapatawag mula sa korte para sa kriminal na kasong isinampa sa kanya sa isang korte sa Maynila. Naninindigan siyang walang mali sa kanyang pagtatanghal.

Naniniwala ang grupong LGBTQ+ na Bahaghari na mayroong labis na pag-abuso ng awtoridad sa kaso kontra kay Pura. Naninindigan ito na mayroong karapatan si Pura na malayang ihayag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng sining. Dagdag pa ng grupo, mayroong malinaw na “double standard” sa kasong ito dahil ang iba umanong mga personaheng heterosekswal ay nakapagpapatuloy naman sa kanilang panunuya sa mga simbolo ng relihiyon sa tabing ng “komedya.”

“Binibigyang diin ng kasong ito kung paanong ang batas ay kinakasangkapan at mabilis na ginagamit laluna para parusahan ang mga myembro ng LGBTQ+,” dagdag ng Bahaghari. Idiniin nila ang kanilang paninindigan na hindi krimen ang pagtatanghal ng drag.

Tinuligsa rin ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) ang pag-aresto kay Pura. “Nakikiisa kami kay Pura sa pagpapatampok sa tinig ng komunidad ng LGBTQ+ sa pamamagitan ng artistikong pagtatanghal,” ayon pa sa CAP. Bahagi umano ang naging pagtatanghal ni Pura sa malikhaing pagpapahayag ng kanyang pananaw at paniniwala.

Dahil sa kanyang pagtatanghal, si Pura ay hindi makatarungang idineklarang “persona non grata” sa hindi bababa sa 17 syudad, bayan at prubinsya sa bansa.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss