Ang Bayan » Isda sa Cavite, apektado ng dredging

June 22, 2023


Bumagsak nang 80% ang huling isda ng grupong Pamalakaya at mga mangingisda mula nang simulan ang mga proyektong reklamasyon sa Cavite noong 2021. Noong nakaraang linggo, napuna nila ang paglutang ng flounder fish, kilala sa lugar bilang isdang dapa o tampal-puke. Anila, nataboy ang mga isdang ito sa mula sa paninirahan nito sa sea floor o kailaliman ng dagat dahil sa mga operasyong dredging o paghuhukay ng buhangin para sa mga proyektong reklamasyon.

Ayon sa isang eksperto, dinidistorbo ng ingay na likha ng dredging ang mga isdang dapa. Mahihirapan din ang ibang isda na makahanap ng pagkain dahil sa malabong tubig (highly suspended sediment) dala ng pagkadistorbo ng putik sa ilalim ng dagat.

Liban sa isda, nanganganib din ang mga coral reef sa prubinsya, ayon sa Pamalakaya.

Noon pang simula ng taon idinulog ng mga mangingisda sa mga ahensya ng gubyerno at ipinanawagan ang pagtigil sa dredging at reklamasyon sa Cavite. Nanawagan din sila ng suporta para sa mga mangingisdang apektado ng kawalang-aksyon ng estado.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Human chain in Navotas to oppose reclamation projects in Manila Bay –

Mussel farmers and fisherfolks along with environmental advocates, church, and

Australia should not endorse Marcos Jr. regime in the Philippines because of its egregious violation of human rights

Media Statement September 9, 2023 The International Coalition for Human