Ang Bayan » Kababaihan, nangalampag laban sa nagtataasang presyo ng bilihin

August 23, 2023


Inilunsad ng grupong Gabriela ang “Kalampagang Kababaihan” kahapon, Agosto 22, sa harap ng Philcoa sa Quezon City para iparating ang hirap na dinaranas ng kababaihan sa harap ng pagsirit ng presyo ng langis at ng mga bilihin.

Sa pampitong pagkakataon sa loob ng pitong linggo, itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo kahapon nang umaga.

“Dahil sa mga pagtaas ng langis, hirap na hirap na ang mamamayan, higit lalo ang kababaihan,” ayon kay Cora Agovida, deputy secretary-general ng grupo.

Panawagan nila sa estado ang pagsuspinde sa mga buwis na nakapataw sa langis tulad ng VAT at excise tax na magpapababa sa presyo ng langis nang hanggang ₱14 kada litro.

Binatikos din ng kababaihan ang pagbigay-prayoridad ng rehimeng Marcos sa mga proyektong hindi tumutugon sa kahirapan at gutom ng mga Pilipino.

“Hindi tayo mapapakain ng ₱10 billion na confidential funds. Hindi tayo mapapakain ng ₱1.4 trillion sa infrastructure. Hindi tayo mapapakain ng ₱1.4 billion sa foreign travels. Mapapakain tayo ng dagdag-sahod at pagpapataas imbes na pagkaltas sa pondo sa pampublikong serbisyo,” ayon kay Agovida.

Panawagan nito, itaas ang sahod para makasabay sa pataas nang pataas na presyo ng mga bilihin at singil.

Dagdag sa napakababa nang sahod sa pangkalahatan, higit pang pagdurusa ang dinaranas ng kababaihan. Sa kasalukuyan, mas mababa nang 78% ang abereyds na natatanggap ng kababaihan na sahod kumpara sa kalalakihan. Mas malaki rin ang epekto ng krisis sa empleyo sa kababaihan, na nagtala ng mas mataas na tantos ng disempleyo at kulang sa trabaho kumpara sa kalalakihan. Malaking bahagi ng kababaihan ay nasa impormal na sektor, walang regular na kita, at walang katiyakan sa trabaho at anumang benepisyo.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Charter change could mean more US troops in the PHL – Fil-Am activists

By JANESS ANN J. ELLAOBulatlat.com NEW YORK — Filipino-American activists

Military Situation In Kosovo On May 30, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image On May 30, Aleksandar Vucic,