Ang Bayan » Kampanya para ilitaw si Steve Abua, dinala sa UNHRC

March 26, 2023


Dala-dala ng mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao sa nagaganap na ika-52 na regular na sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, Switzerland ang kaso ng sapilitang pagwawala sa organisador na si Steve Abua.

Ipinanawagan ni United Nations Special Rapporteur on Human Rights Defenders Mary Lawlor noong Marso 23 na imbestigahan ang pagwawala kay Abua, alinsunod sa panawagang ipagtanggol ang mga human rights defender sa bansa. Dinukot si Abua ng mga ahente ng militar noong Nobyembre 6, 2021.

“Noong Enero 2022, sumulat ako sa gubyerno ng Pilipinas kaugnay sa pagwawala sa human rights defender na si Mr. Steve Abua, isang lider pesante na nagtataguyod sa karapatan sa lupa at karapatang-tao ng mga magsasaka at katutubo, partikular sa Central Luzon,” ayon kay Lawlor sa kanyang talumpati.

Binigyan-pansin din ni Lawlor ang kaso ng mga biktima ng “Bloody Sunday” kung saan siyam na human rights defenders ang koordinadong pinatay ng mga pwersa ng estado. Aniya, lalong pinalala ng Anti-Terrorism Act ang peligrosong sitwasyon ng mga tagapagtanggol sa karapatang-tao sa pamamagitan ng pagpormalisa ng gawing pagpangred-tag sa kanila sa sobrang masaklaw ng depinisyon ng terorismo.”

Bago dito, binigyan-pansin din ni Lawlor sa nauna niyang pahayag noong Marso 21 ang kaso ni Dr. Natividad Castro (Dr. Naty) na idineklarang “terorista” ng Anti-Terrorism Council.

“Ang pagpangred-tag at paglalagay sa listahan bilang terorista ay peligrosong mga bansag sa mga tagapagtanggol ng karapatang-tao sa Pilipinas,” aniya.

Dumalo rin sa sesyon sina Cristina Palabay ng Karapatan Philippines, Atty. Edre Olalia ng National Union of Peoples’ Lawyers, Mervin Toquero ng National Council of Churches in the Philippines at April Dyan Gumanao ng Alliance of Concerned Teachers.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss