Ang Bayan » Kaso laban kay Nasino at 2 pa, tuluyan nang ibinasura

July 28, 2023


Ibinasura ng korte sa Maynila ang gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives ang kaso laban kay Reina Mae Nasino, Ram Bautista at Alma Moran, kilala bilang Tondo 3. Sa gayon, hinatulan silang hindi nagkasala sa lahat ng mga akusasyon sa kanila. Ang desisyon ay sinulat noong Hulyo 17 at isinapubliko kahapon, Hulyo 27.

Alinsunod sa desisyon, nakita ng korte ang mga “hindi maipagkakamaling nagbabanggaang salaysay ng mga saksi” sa kung mayroon nga talagang natagpuang mga baril na may bala at pasabog sa mga kwarto ng mga akusado. Sa gayon, pinanigan ng korte ang isinampa ng mga abugado ng Tondo 3 na “demurrer of evidence” kung saan ipinawalangsaysay ang ginamit na mga ebidensya ng prosekusyon. Ang pagkatig sa demurrer of evidence ay nangangahulugan din ng hatol na walang sala sa mga kasong isinampa.

Halos apat na taong ikinulong ang tatlo sa gawa-gawang mga kaso. Sa panahong ito, ipinanganaki ni Nasino si Baby River na kagyat ding ihiniwalay sa kanya. Ilang buwan matapos nito, namatay ang sanggol. Pinayagan si Nasino na makapunta sa burol ng kanyang anak pero todo-gwardyado na parang kriminal. Pansamantalang nakalaya ang tatlo noong Disyembre 22, 2022 matapos magbayad ng pyansang P282,000.

Ipinagbunyi ng Tondo 3, kasama ng kanilang abugadong si Maria Sol Taule, ang tuluyang pagbabasura ng gawa-gawang mga kaso. Nanawagan sila na itigil na ang pagsasampa ng gayong mga kaso sa mga aktbista na



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Kabataang-estudyante, nagprotesta sa Ched sa kaarawan ni Rizal – Pinoy Weekly

Nagprotesta sa Commission on Higher Education sa Quezon City ang

Marcos Jr’s weak DA leadership is dragging the agriculture sector

One year after taking the secretary post, the agriculture sector