Ang Bayan » Kasong pagpatay, dapat isampa sa mga pulis na pumatay sa menor-de-edad sa Navotas

August 14, 2023


Dapat usigin at papanagutin ang mga pulis na bumaril at pumatay kay Jerhode “Jemboy” Baltazar, isang 17-anyos na lalaki, at itigil ang kawalang-pakundangang pamamaslang.

Hindi dapat ituring na isang “aksidente” ang kanyang pagkapaslang, at na “normal” ang kamatayan sa mga operasyong pulis, ayon sa National Union of People’s Lawyers-National Capital Region (NUPL-NCR) sa pahayag nito noong Agosto 13.

“Hindi namin tinatanggap na normal ang kamatayan bilang resulta ng isang regular na operasyong pulis,” ayon sa grupo. Dapat itong ituring bilang sadyang kriminal na pagkakasala (intentional criminal felony).

Naglilinis si Baltazar ng kanyang bangka, kasama ng isa pa, sa ilog sa Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas City nang dumating ang mga pulis mula sa PNP-Navotas City noong Agosto 2. Sa salaysay ng mga pulis, tumalon si Baltazar sa ilog, bago sila nagpaputok. Pero ayon sa salaysay ng kanyang kapatid, nagpaputok na ang mga pulis, bago nahulog sa ilog si Baltazar. Nang nasa tubig, pinaulanan siya ng bala na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Tinamaan siya ng bala sa kanyang kanang kamay, na isang “defensive wound,” ayon kay Dr. Raquel Fortun, ang duktor na nagsagawa ng awtopsiya sa kanyang bangkay. Tatlong oras pa ang lumipas bago kunin ng mga pulis ang kanyang bangkay mula sa tubig. Pagdadahilan ng mga pulis, “napagkamalan” nilang suspect sa isang insidente ng pamamaril ang biktima. Iniulat din na walang nakuhang bidyo mula sa mga “body camera” na dala ng mga pulis dahil diumano naubusan ito ng baterya.

Matapos ang pangyayari, inilagay lamang sa “administratibong suspensyon” ang walong pulis na sangkot sa krimen.

Naniniwala ang NUPL-NCR na sadya at binalak ng mga pulis ang pumatay sa naturang operasyon. “Sapat ang mga datos para isakdal sila sa kasong murder, at hindi sa kasong reckless imprudence resulting in homicide lamang.” Ang kasong reckless imprudence ay karaniwang ikinakaso sa mga aksidenteng nakasagasa sa daan.

Sa mga alintuntunin mismo ng PNP, obligado ang mga pulis na gumamit ng hindi nakamamatay na pwersa kung ang walang “peligro” na inihaharap ang suspect na target ng operasyon. Hindi ito nasusunod, at sa mga kaso sa ilalim ng “gera kontra-droga,” tahasang nilalabag.

“Hinahamon namin ang Navotas police na pangalanan ang mga upisyal ng pulis na kinasuhan at tigilan ang paghaharang, kundiman tahasang pambabara sa pagtatanong ng publiko kaugnay sa insidenteng ito,” pahayag ng grupo.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » (Photos) Kabataang Makabayan-Southern Tagalog joins celebration of the CPP’s 55th anniversary

Members of the Kabataang Makabayan-Southern Tagalog, along with Red fighters

PRWC » On Sara Duterte’s defense of the indefensible

Sara Duterte’s “tirang pikon” gaslighting―calling those opposing her anomalous confidential