Ang Bayan » Kasong perjury at slander, panggigipit ng AFP at DoJ kina Jonila Castro at Jhed Tamano

October 15, 2023


Ipinadala ng Department of Justice ang isang subpeona o pagpapatawag kina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Oktubre 12 para harapin ang mga kasong perjury at slander na isinampa ng 70th IB. Naniniwala ang mga grupo sa karapatang-tao na ang mga ito ay pawang panggigipit at ganting-salakay matapos isiwalat ng dalawa ang ginawang pagdukot, tortyur at iligal na detensyon ng militar sa kanila.

“Hindi maikakailang talagang napahiya at supalpal ang mga ahensya ng gubyerno,” ayon sa grupong Release Jonila and Jhed Network na sumusuporta sa dalawang biktima. Anila, dahil napahiya at nasiwalat ang palabigasang kampanya ng “pekeng pagpapasuko” ng militar, “todo ngayon ang paggamit ng gubyerno sa lahat ng makinarya nito para linisin ang puno ng dungis na imahe at gantihan ang dalawang kabataang kababaihan na tumindig sa kanilang kawalanghiyaan.”

Sina Castro at Tamano, na kapwa aktibo sa paglaban sa rekalmasyon sa Manila Bay, ay biktima ng pagdukot, iligal na detensyon, mental na tortyur at iba pang mga paglabag sa kanilang karapatang-tao ng mga pwersa ng 70th IB, kasabwat ang National Task Force-Elcac. Dinukot sina Tamano at Castro sa Orion, Bataan noong September 2.

Noong Setyembre 19, matapang na ibinunyag nina Tamano at Castro ang pagdukot sa kanila ng ahenteng militar sa mismong press conference na ipinatawag ng NTF-Elcac para iharap sila bilang mga “surenderi.”

Naghain ang mga abugado ng dalawang biktima ng petisyon noong Setyembre 28 para sa “writ of amparo” at “habeas data” sa Korte Suprema. Humingi din sila ng pansamantalang proteksyon para sa dalawang aktibista at kanilang mga pamilya sa harap ng nagpapatuloy na mga banta sa kanilang buhay.

Sa ulat ng Release Jonila and Jhed Network, walang-humpay ang militarisasyon at paghahasik ng lagim ng mga pwersang militar sa mga komunidad sa mga latian sa Bataan kung saan nagsagawa ng pananaliksik sina Jhed at Jonila.

Anila, bahagi ito ng mahabang tala ng pagpapagamit ng Armed Forces of the Philippines bilang pribadong goons ni Ramon Ang para bigyang-daan ang mga naging pagpapalayas sa Taliptip, Bulakan at Obando sa Bulacan at manakot sa mga lumalabang mangingisda ng Malolos at Hagonoy sa naturang probinsya.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: DFA Usec makes false remark about SC decision on South China Sea exploration deal

Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta wrongly stated that the Supreme

Mexico: 130 Guatemalan Migrants in Cargo Truck Rescued

On Monday, in Veracruz, Mexican authorities rescued 130 Guatemalan migrants