Ang Bayan » Kinatawan ng organisasyon ng mga Katolikong obispo, kumalas sa NTF-Elcac

October 28, 2023


Matapos ang sunud-sunod na pagtutol ng iba’t ibang organisasyong ekyumenikal at mga taong-simbahan, inianunsyo ng komisyon sa pampublikong ugnayan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagkalas nito sa pasistang makinarya ng National Task Force (NTF)-Elcac noong Oktubre 23. Kinumpirma ito ni Father Jerome Secillano, kalihim sa ehekutibo ng komisyon.

Mistulang pagbunot sa tinik sa dibdib ang pagkalas na ito para sa Student Christian Movement of the Philippines (SCMP). “Gumaan ang aming loob sa anunsyong ito na kakalas [ang CBCP] sa ahensya ng gubyerno na bantog bilang isa sa pinakamatitinding lumalabag sa karapatang-tao,” ayon kay Kej Andres, pambansang tagapangulo ng SCMP.

Naunang binatikos ng SCMP, gayundin ng mga organisasyon sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), at mga grupo sa karapatang-tao ang pagpapaloob sa ahensya at potensyal na magagamit ng NTF-Elcac ang CBCP. Nagbabala ang Bayan noon na “dapat mag-ingat ito (CBCP) kung ano ang sasaklawin ng “ugnayan” (nito) sa NTF-Elcac at ang implikasyon nito sa aktwal, sa mga lokalidad at sektor na pinupuntirya ng terorismo ng estado”

Idinahilan noon ng CBCP ang laganap na Red-tagging sa kanilang mga kasapi bilang rason sa pagpasok nila sa pasistang task force. Anito, tuluy-tuloy itong makikipag-ugnayan sa usaping ito kahit kumalas na ito sa task force. Kabilang sa pinakahuling pinupuntirya ng militar si Most Rev. Gerardo Alminaza, obispo ng San Carlos, Negros Occidental dahil sa kanyang matapang na pagtindig para sa karapatang-tao ng mamamayan sa isla.

Sangkot ang NTF-Elcac sa pagpapakalat ng malisyosong kasinungalingan, Red-tagging at iba pang mga paglabag sa karapatang-tao simula nang itinatag ito ng dating administrasyong Duterte.

Sa ilalim lamang ng rehimeng Marcos Jr, hindi bababa sa 94,448 ang naging biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao. Naitala ng Ang Bayan ang aabot sa 954 kaso (o higit dalawang kaso kada araw) ng mga paglabag sa karapatang-tao sa buong bansa. May pananagutan ang NTF-Elcac sa mga paglabag na ito bilang ahensyang namumuno sa kampanyang kontra-insurhensya.

Paninindigan ng SCMP, dapat batikusin ang NTF-Elcac sa bulok na mandato nito sa militaristang pagresolba sa usapin ng gerang sibil sa Pilipinas. “Sa pamamagitan ng usapang pangkayapaan mareresolba ang mga ugat ng kahirapan sa bansa,” giit ng grupo.

Ang dapat umanong gawin ng mga simbahan at kanilang upisyal ay hikayatin ang layko para labanan ang Red-tagging, kahirapan, paglabag sa karapatang-tao at maling paggasta sa pondo at gamit ng publiko, pahayag pa ng SCMP.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Mayaman ang prubinsyang Masbate subalit bakit labis ang paghihirap ng mga Masbatenyo?

Mayaman ang prubinsyang Masbate. Mayroon itong malapad at matabang lupaing

VERA FILES FACT CHECK: Bato contradicts Duterte’s long-established stance on cops involved in drug trade

In an interview on The Chiefs, ONE News’ flagship current