Ang Bayan » Klase sa mga paaralan sa Masbate, nakansela dulot ng palabas na engkwentro ng 2nd IB

September 24, 2023


Nagbunsod ng pagkansela ng klase sa mga eskwelahan ang palabas na engkwentro at walang patumanggang pamamaril ng tropa ng 2nd IB sa hangganan ng Barangay Villahermosa, Cawayan at katabing bayan na Placer noong Setyembre 16 ng ala-6 ng umaga. Inilinaw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate na wala itong yunit na nakasagupa ng mga sundalo.

“Hindi isinasaalang-alang ng militar ang kaligtasan ng mga sibilyan laluna ng kabataan sa halos isang minutong pagpapaputok na wala namang target,” ayon sa BHB-Masbate.

Para kumpletuhin ang hinabing kwento ng engkwentro, pinalabas ng 2nd IB na nakasamsam sila ng isang M653 na baril, tatlong magasin, backpack, selpon at iba pa. Liban dito, nagsitakbuhan pa ang mga sundalo sa Barangay Calapayan sa Cawayan para umano habulin ang umano’y umaatras na mga myembro ng BHB na kanilang nakasagupa.

Katawa-tawa, iniulat ng BHB-Masbate na muntikan pang magkaroon ng mis-engkwentro sa pagitan ng mga pwersa ng 2nd IB matapos sumaklolo ang kanilang yunit na nakabase sa Barangay Miabas, Palanas na walang alam sa pakanang drama ng kanilang mga kasamahang mula sa kampo ng Paguihaman, Uson.

Lango sa sariling kasinungalingan, nagpasalamat pa si Lt. Col. Orlando C. Ramos, Jr., pinuno ng 2IB sa “patuloy na pakikipagtulungan ng mga mamamayan ng prubinsiya ng Masbate.”

Muli namang nagbabala si Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB-Masbate, sa paglikha ng 2nd IB ng senaryo ng kaguluhan para bigyang-rason ang pagdeklara sa Masbate bilang “election hotspot.” “Masahol, tanging mga ordinaryong magsasaka o masa ang nabibiktima sa kanilang mga pakana. Napuperwisyo ang matiwasay na mga komunidad at paghahanapbuhay ng mga tao sa mga lugar na may presensya ng militar,” dagdag niya.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Marcos, the Terrible Terrorist

By insisting on its “terrorist” designation of the Communist Party

#JunkG7 | ILPS HK and Macau Statement on the International Day of Action Against G7

20 May 2023 ILPS HK and Macau Statement on the International