Ang Bayan » Koordinadong protesta kontra taas-presyo ng petrolyo, inilunsad

October 25, 2023


Nagsagawa ng koordinadong protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip, kasama ang mga manggagawa at maralitang tagalunsod kahapon, Oktubre 24, para batikusin ang muling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-13 pagkakataon mula noong Hulyo. Sa huling pagtataas, tinatayang umabot na sa ₱19/litro ang idinagdag sa diesel habang halos ₱14/liter ang nadagdag sa presyo ng gasolina at kerosene.

Ang pagkilos ay isinagawa ng mga kasaping asosasyon ng Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide) sa pitong lokasyon sa Metro Manila, at sa Baguio City at Cebu City. Isang araw bago nito, nagprotesta rin ang mga drayber at opereytor sa Iloilo City at Bacolod City.

Nagpahayag ng pangamba ang Piston na “sasamantalahin ng mga kumpanya at kartel ng langis ang patuloy na mga atake ng Israel sa mga Palestino upang lalong itaas pa ang presyo ng produktong petrolyo.” Giit ng grupo na ang lumalalang karahasan ay maaaring magdulot ng matinding kaguluhan sa rehiyon ng Middle East at makaaapekto sa suplay ng langis sa mundo.

“Pinagkakakitaan ng mga kumpanya ng langis ang digmaan sa rehiyon upang higit na taasan ang presyo ng langis na lubhang nakakaapekto sa kita at kabuhayan ng mga tsuper, operator, at mga pasahero ng pampublikong transportasyon,” ayon pa sa Piston.

“Kailangan nang panagutin ang mga ganid na oil company sa overcharging nila sa presyo ng langis sa bansa. At malinaw na kakuntsaba nila si Marcos Jr kasi wala siyang ginagawa para mapababa at makontrol ang napakataas pa ring presyo ng langis,” giit ng grupo.

Binatikos ng Piston ang kainutilan ng rehimeng Marcos Jr na kontrolin ang presyo ng petrolyo sa bansa dahil sa pag-iral ng Oil Deregulation Law na nagtanggal ng kakayahan sa estado na kontrolin ang presyo nito.

Anila, hindi lamang sektor ng pampublikong transportasyon ang nilulumpo ng sunud-sunod na taas-presyo kundi dagok din ito sa karaniwang mamamayan dahil magdudulot ito ng pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa mga pagkilos, inihayag din ng mga drayber at opereytor ang kanilang panawagan na ibasura ang PUV phaseout at ibalik sa limang taon ang kanilang prangkisa. Sa darating na Disyembre 31, 2023 ay ipatutupad na ng rehimeng Marcos ang dedlayn sa franchise consolidation na papatay sa kabuhayan ng mga drayber at opereytor.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Lawyers condemn killing of colleague in Abra

“We strongly condemn this heartless attack against our sister in

Time to decide who are in or out in today’s polls

After three postponements since 2018, Filipino voters will have a