Nagtasa kamakailan ang Central Military Commission (CMC) ng Communist Party of India-Maoist kaugnay sa mga opensiba ng hukbang bayan sa India laban sa Oplan Samadhan, ang kampanyang panunupil ng reaksyunaryong estadong Indian.
Ayon sa CMC, nakapaglunsad ang People’s Liberation Guerilla Army (PLGA), ang armadong hukbo ng CPI-Maoist ng 1,300 taktikla na opensiba sa nakaraang limang taon. Sa mga ito, 65 ang malalaki, 105 ang may katamtamang-laki at ang natitira ay puro maliliit. Nakasamsam ang PLGA ng 85 modernong armas, kasama ang libu-libong bala. Dumanas ang kaaway ng 1,395 na kaswalti, kung saan 425 na pwersa ng pulis ang napatay at 966 ang sugatan. Maraming mga ahenteng paniktik at anti-rebolusyonaryong elemento rin ang naparusahan.
Nagsagawa rin ng maraming aksyon ang PLGA laban sa mga multinasyunal na kumpanyang nagdadambong sa likas na kayamanan ng kagubatang tinitirhan ng mga katutubong mamamayang Indian. Mahigit 300 kagamitan ng mga ito ang pinaralisa ng mga mandirigma.
Sa buong kampanya, namartir ang 26 na mga kasapi ng PLGA, Iginawad sa kanila ang pinakamataas na pagsaludo ng Partido, hukbong bayan at ng rebolusyonaryong mamamayan.