Ang Bayan » Mga artista at manggagawa sa Hollywood, nagwelga

July 15, 2023


Ikinasa ng mga manggagawa ng Hollywood, katawagan sa industriya ng entertainmet sa US, ang kanilang welga noong Hulyo 14 matapos ang ilang buwang negosasyon sa malalaking kumpanya na kinakatawan ng Alliance of Motion Picture and Television Producers (AMPTP).

Ang mga aktor at iba pang manggagawa ay bahagi ng Screen Actors Guild – American Federation of Television and Radio Artists (SAG-AFTRA). Liban sa mga aktor sa pelikula at telebisyon, bahagi ng organisasyong ito ang mga mang-aawit, mamamahayag, host ng mga programa, mga stunt performer at gumagampan ng mga voiceover.

Tulad ng ibang manggagawa, iginigiit ng myembro ng SAG-AFTRA ang dagdag-sahod na anila’y matagal nang dumausdos ang halaga dahil sa pagsirit ng implasyon. Palagiang sinasabi ng mga kumpanya na “naghihirap” ang industriya, pero ang totoo ay napakalaki nang kinikita ng mga ito gamit ang bagong teknolohiya tulad ng streaming services. Palaki nang palaki ang mga sweldo ng matataas na upisyal ng mga kumpanya, anila, habang nananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa.

Nahaharap din sila sa di makatarungang mga kundisyon sa paggawa at banta ng artificial intelligence (AI) sa industriya ng entertainment. Isa sa naging mitsa ng kanilang welga ang panukala ng mga mayor na kumpanya sa AMPTP na i-scan ang mga katawan ng mga aktor sa unang araw ng anumang proyekto at gamitin ang kanilang “likeness” na gawa ng kompyuter sa mga pelikula. Ibig sabihin, maaaring sa unang araw lamang i-empleyo at bayaran ang isang aktor at ang kanyang “likeness” na lamang ang gagamitin sa sumunod na mga eksena.

Bago tumigil sa trabaho at ikinasa ang welga ng mga manggagawa sa Hollywood, una nang nagwelga ang mga manunulat ng Writers’ Guild of America (WGA). Tumigil silang magtrabaho mula Mayo 2 para igiiit ang makatarungang sahod at katiyakan sa trabaho.

Ayon sa mga ulat, ito ang unang pagkakataon mula 1960 na sabay na nagwelga ang dalawang malalaking organisasyon.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

More than a tale of two bishops

The religious in one of Asia’s predominantly Christian countries, the

Groups condemn trumped up terror cases filed against Nat Santiago, other activists

By NUEL M. BACARRAKodao Productions Progressive groups held a rally