Ang Bayan » Mga nars sa South Korea, nagwelga

May 23, 2023


Naglunsad ng isang araw na welga ang libu-libong nars at estudyante ng kursong nursing sa South Korea noong Mayo 19 para kundenahin ang pag-veto o pagbasura ng presidente ng bansa sa isang panukala na magbibibgay ng dagdag na mga benepisyo at sahod, at magpapaunlad ng kanilang kundisyon sa paggawa. Ang panukalang Nursing Act ay ibinasura noong Mayo 15.

Idinahilan ni South Korean President Yoon Suk-yeol sa pagbasura sa panukala ang umanoy “sigalot” na lilikhain nito sa sektor ng kalusugan. Iginigiit ng mga doktor ng South Korea na pahihintulutan umano ng panukala na magpraktis ng medisina ang mga nars, subalit pinasubalian ito ng Korean Nurses Association (KNA).

Ayon sa KNA, kumakatawan sa 500,000 lisensyadong nars sa bansa, layunin lamang ng panukala na ilinaw ang trabahong dapat saklawin ng mga nars sang-ayon sa kanilang propesyon. Pagbabahagi pa ng grupo, sa kasalukuyang kaayusan ay nagmimistulang mga “alalay” sila ng mga doktor dahil sa kawalan ng pagtatakda ng saklaw ng trabaho ng mga nars.

Paliwanag ng grupo, nagdurusa ang mga nars sa labis na trabaho at pamalagiang kakulangan ng mga nars dahil masaklaw ang isinasaad ng kasalukuyang batas na kanilang ligal na tungkulin at trabaho. Nakasaad sa Medical Service Act na dapat magbigay ang mga nars ng “tulong sa medikal na panggagamot sa ilalim ng gabay ng isang doktor ng medisina, dentista, o doktor ng Korean medicine.”

Mahigpit na kinundena ng KNA ang pag-veto ng presidente sa panukala. Anila, inabanduna ng presidente ang mga pangako nito nang kumakandidato sa pagkapangulo na pauunlarin ang kundisyon sa paggawa ng mga nars.

“Pagbabayarin namin ang mga pulitiko at nasa burukrasya…sa pagtutulak sa pangulo na i-veto ang panukala,” pahayag ni Kim Yeong-kyeong, pangulo ng KNA.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » Isang linggong pagdiriwang sa anibersaryo ng Partido, isinagawa sa Central Panay

Serye ng mga aktibidad ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan

Sudanese Army Urges Civilians to Fight Paramilitary Forces | News

On Tuesday, General Commander of the Sudanese Armed Force Abdel