Ang Bayan » Mga residenteng nagbarikada kontra mina sa Palawan, inaresto

April 17, 2023


Anim na residente ng Brooke’s Point, Palawan na kalahok sa barikadang bayan kontra sa pagmimina ng Ipilan Mining Corporation (IMC) ang iligal na inaresto ng mga pulis noong Abril 14. Bago nito, marahas na kinaladkad pa ng pribadong maton ng kumpanya ang mga residente bago ikinulong ng pulis.

Ayon sa grupong Alyansa Tigil Mina, “kasuklam-suklam ang ginawang panghaharas, pag-aresto at detensyon sa mga residente at maging ang demolisyon sa barikada gayong mayrooon nang Cease and Desist Order mula sa alkalde ng bayan ang mismong operasyong pagmimina.”

Ayon pa sa mga lumahok sa barikada, isa itong malinaw na paglabag sa batas at sa atas ng alkade ng bayan at insulto sa mamamayan ng Brooke’s Point.

“Mapayapa kaming nagbabarikada laban sa iligal at mapahamak na operasyon ng IMC. Bakit nila giniba ang aming barikada at hinaras ang aming mga kasamahan, eh sila itong lumalabag sa batas. Bakit walang ginawa ang mga pulis habang kinakaladkad ng mga IMC security guards ang mga raliyista? Ang IMC ang dapat ikulong at hindi ang mga tao na tumitindig para sa kalikasan at sa ordinaryong mamamayan,” ayon kay Rudy Cataluna ng Samahan ng Magsasaka Ayaw sa Pagmimina.

Nag-umpisang gibain ng may 200 security guard at 100 maton ng IMC ang barikada ng mga residente bandang ala-6 ng umaga ng Abril 14. Pagkahapon, nagtipon ang mga reidente sa ginibang barikada para magprotesta. Dito dinampot ang anim na mga kalahok ng protesta. Nasugatan din sa panghaharas ng mga maton ang ilang mga sibilyang residente.

Mula pa Pebrero 18, itinayo na ng mga residente ang barikada sa Barangay Maasin para igiit sa pambansang gubyerno na ipahinto ang operasyon ng IMC na dahilan ng matinding pagbahang nagpalubog sa buong bayan noong Enero.

Ang IMC ay subsidyaryo ng Global Ferronickel Holdings, ikalawa sa pinakamalaking kumpanya na nagmimina ng nikel sa bansa. Hindi bababa sa 2,800 ektarya ang minahan nito sa Palawan na tatawid sa apat na barangay ng Brooke’s Point. Noong 2020, tumaas nang 43% o ₱735 milyon ang kita nito sa kabila ng pandemya. Samantala noong 2017, sangkot ang IMC sa pamumutol ng 15,000 mga puno sa mahigit 100 ektaryang natural forest sa Brooke’s Point.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Proponents of Charter Change

By MAX SANTIAGO The post Proponents of Charter Change appeared

A clarinetist’s  spectacular Manila debut

Saturday night (June 17) at the Manila Pianos showroom, clarinetist