Ang Bayan Ngayon » 12 magsasakang Adivasi, minasaker ng paramilitar sa Chhattisgarh, India

May 20, 2024


Kinundena ng Forum Against Corporatization and Militarization (FACAM), alyansa ng mga demokratikong organisasyon sa India, ang pagmasaker ng mga pwersang paramilitar ng estado ng India sa 12 magsasakang Adivasi (katutubo) noong Mayo 11 sa Bijabur, Chhattisgarh, India. Pinalalabas ng estado na ang mga biktima ay pawang mga mandirigma at kasapi ng Communist Party of India (Maoist) na napaslang sa isang engkwentro para takasan ang pananagutan nito sa karumal-dumal na krimen.

Ayon sa FACAM, nakatanggap sila ng impormasyon na ang mga biktima ay mga residente ng komunidad ng Pedia, Gangaloor sa Bijapur. Salaysay pa ng mga residente sa lugar, kumukuha lamang umano ang mga biktima ng mga dahon, isang tradisyon ng mga magsasakang Adivasi sa ganitong mga panahon. Nasaksikan pa ng mga residente kung paanong dinampot, kinaladkad at saka sadyang pinaslang ng mga paramilitar ang kanilang mga kapwa.

Hindi pa nakuntento, ikinulong ng mga pwersa ng estado ang mga aktibista, mga balo ng biktima, kanilang mga anak at pamilya na kukuha sana sa mga bangkay ng minasaker. Hindi bababa sa 30 magsasakang Adivasi ang ikinulong. Ipinrisinta pa silang “sumurender” na mga Maoista para kubrahin ang patong sa ulo. Dalawampu’t lima pa lamang sa kanila ang pinalaya. “Hindi rin ibinigay ng Bijapur District Collector ang bangkay ng mga napaslang,” ayon pa sa FACAM.

Giit ng grupo, hindi nahihiwalay na insidente ang nangyaring masaker sa Bijapur. Bahagi umano ito ng higit na pinatinding gera laban sa mamamayang Indian sa ilalim ng Operation Kagaar na ipinatutupad sa Abujmaad, isang mabundok at magubat na lugar sa timog ng estado ng Chhattisgarh. Bahagi ang operasyong ito ng pangkalahatang operasyong kontra-insurhensya laban sa CPI (Maoist) na Operation SAMADHAN-Prahar.

Ayon pa sa FACAM, karaniwang ginagamit na dahilan ng estado ng India ang pekeng engkwentro para bigyang katwiran ang patung-patong nang mga paglabag sa karapatang-tao at sa interansyunal na makataong batas.

“Ang ‘gera laban sa Naxalism’ ng estado ng India sa kaibuturan ay isang gerang henosidyo laban sa mamamayan, partikular sa mga magsasakang Adivasi na nakikibaka laban sa pandarambong ng mga korporasyon sa likas na yaman ng India, pangangamkam sa kanilang lupa para sa interes ng mga imperyalista at malalaking koporasyong Indian, at maigting na militarisasyon,” pahayag ng grupo.

(The Indian state’s “war against Naxalism” is practically a genocidal war on people, particularly the Adivasi peasants who are resisting corporate loot of India’s natural resources, the grabbing of their lands for imperialist and big Indian corporate interests and the rampant militarization)



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Congo Government Denies Rumors About Coup D’éTat

The Minister of Communication of the Republic of the Congo,

CHR echoes UN expert’s call to stop red-tagging

The Commission on Human Rights (CHR) again called on the