Ang Bayan Ngayon » Black Friday Protest laban sa chacha, inilunsad sa Maynila

February 27, 2024


Ang artikulong ito ay may salin sa English

Magkakasabay at magkakasunod na aktibidad at aksyong protesta ang inilunsad ng iba’t ibang grupo ng kabataan, pambansang minorya at ibang demokratikong sektor kahapon, Pebrero 23, laban sa maka-dayuhan at anti-mamamayang pakanang pagbabago sa Konstitusyong 1987 o charter change (chacha).

Sa Maynila, nagmartsa ang mga grupo ng kabataan sa tinaguriang university belt (U-Belt) laban sa chacha, laluna sa pagbubukas nito sa sektor ng edukasyon sa buong pagmamay-ari ng mga dayuhan. Anila, palalalain nito ang dati nang komersyalisadong edukasyon kung saan tinatratong kalakal ang mga estudyante.

Kasama sa pwedeng ibukas sa dayuhang pagmamay-ari ang Far Eastern University, University of Sto.Tomas, University of the East, at iba pang pribadong pamantasan sa U-Belt. Sa kasalukuyan, kinakaharap ng mga estudyante sa mga paaralang ito ang panibagong tuition fee increase at paniniil sa mga publikasyong pangkampus.

Nagkaroon rin ng mga pagkilos sa mga kampus ng University of the Philippines-Diliman, UP-Manila, Polytechnic University of the Philippines, De la Salle University at sa harap ng Ateneo University.

“Malinaw sa kabataan-estudyante ang makadayuhan at kontra-mamamayang charter change ni Marcos,” pahayag ng League of Filipino Students. Hinikayat nila ang kanilang mga kapwa estudyante na lumahok sa gagawing pagkilos sa harap ng Edsa Shrine sa Pebrero 25.

Pinangunahan naman ng mga grupo ng pambansang minorya ang martsa sa Mendiola sa Maynila laban sa chacha. Mariin nilang itinatakwil ang panukalang pagbabago na magpapahintulot sa dayuhang pagmamay-ari sa kanilang mga lupang ninuno at teritoryo.

“Ang mga katutubo ang isa sa pinakaapektado sa pagsusulong ng chacha sa ilalim ng administrsyong Marcos Jr,” pahayag ng Katribu. “Lalala ang pang-aagaw ng lupa, at magpapatuloy ang pandarambong, militarisasyon at pambobomba sa kanayunan.”

Sa protesta, isinagawa nila ang simbolikong pagbabasura sa panukalang chacha, kasama ang mga mukha nina Marcos, Sara Duterte at Martin Romualdez. Lumahok sa pagkilos ang mga myembro ng Bayan Muna Partylist at iba pang grupong tapagpagtanggol sa karapatan ng katutubo.

Malalawak na alyansang anti-chacha

Kasabay na inilunsad ng mga guro, sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers, ang alyansang Teachers, Education Workers, and Academics Against Cha-Cha (TEACH).

Panawagan ng mga guro, iprayoritisa ng gubyerno ang mga hinaing ng iba’t ibang sektor ng lipunan, imbes na atupagin ang chacha. Kasama rito ang lumalalang krisis sa edukasyon at kakulangan nito sa badyet. “Ang oras at kaban ng bayan ay dapat ituon sa pagpapataas ng sahod ng kaguruan at ng iba pang mga manggagawa, pagdadagdag ng mga silid-aralan, pagpaparami ng serbisyong pampubliko para sa benepisyo ng masa,” ayon sa TEACH. Panawagan nito: “Chacha iatras! Sweldo, itaas!”

Bago nito, itinayo ng mga grupong kabataan ang Movement Against Charter Change Youth Alliance (Matcha Alliance) noong Pebrero 21 para buklurin ang iba’t ibang mga grupong kabataan laban sa chacha.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Mass Shooting in US Leaves 2 Killed and 28 Injured | News

On early Sunday, authorities said that two people were killed,

American, British And French Fighter Jets Violated Syria’s Airspace: Russian MoDSouth Front

Staff Sgt. Roidan Carlson, 2d Combat Camera Squadron aerial combat