Ang Bayan Ngayon » Dagdag-sweldo, muling iginiit ng mga grupo ng kawani ng gubyerno

May 1, 2024


Muling nagsama-sama ang iba’t ibang pederasyon at sentrong unyon ng mga kawani ng gubyerno noong Abril 29 sa Senado sa Pasay City para ipanawagan ang dagdag sweldo at iba pang mga benepisyo sa rehimeng Marcos. Inilunsad ng mga ito ang isang porum na nagtalakay sa pagtataas ng sweldo sa nakabubuhay na antas at ang kalagayan ng mga kawani sa kasalukuyan. Matapos nito, nagsagawa sila ng isang piket sa harap ng Senado na kaagad ding sinupil ng mga pwersang panseguridad.

Kabilang sa mga lumahok sa pagtitipon ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Health Workers (AHW), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon (KALAKON), Public Service Labor Independent Confederation (PSLINK), Philippine Independent Public Sector Employees Association (PIPSEA), Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFIs Inc. (KAMAGGFI), at Public Workers Congress (PUBLIK).

“Sa pampublikong sektor, nagsisimula ang batayang sweldo sa ₱13,000 kada buwan sa pambansang mga ahensya, at ₱8,450 para sa mga nasa lokal na yunit ng gubyerno sa isang sixth class na munisipalidad,” pagbabahagi ni Santiago Dasmariñas Jr, pambansang pangulo ng Courage, sa naturang porum.

Sa harap nito, iginigiit ng mga kawani sa rehimeng Marcos na magpasa ng panibagong “salary standardization law” na nagtatakda ng ₱33,000 na buwanang minimum na sweldo. Dapat umano itong tamasahin ng lahat ng mga kawani, sa pambansang ahensya man o sa lokal na gubyerno.

Liban dito, itintutulak din nila ang pagbabasura sa patakarang kontraktwalisasyon sa hanay ng mga kawani ng gubyerno. Sa tala noong Hunyo 2023, mayroong hindi bababa sa 830,000 o 29.68% sa kabuaang kawani ng gubyerno ay nakapailalim sa kaayusang job order at contract-of-service.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » PRWC Weekly Round-up (October 1-7, 2023)

The PRWC published the following on its website over the

Ang Bayan » Organisador sa Quezon, dinukot ng pwersa ng estado

Iniulat ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Quezon ang pagkawala