Ang Bayan Ngayon » Dating estudyanteng mandirigma, sadyang pinaslang ng AFP sa Bukidnon

April 13, 2024


Sadyang pinaslang ng 48th IB si Kaliska Dominica Peralta (Ka Rekka), isang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na wala sa katayuang lumaban, sa Barangay Butong, Quezon, Bukidnon noong Abril 10. Dating estudyante ng University of the Philippines-Diliman si Ka Rekka. Nagpasya siyang magpultaym sa hukbong bayan noong 2016.

Batay sa inisyal na impormasyong na nakalap ng upisina ng Pambansang Kawanihan sa Impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas, walang armas si Ka Rekka nang kunin siya ng mga ahente ng militar at pulisya. Dinala siya kalaunan sa ibang bahagi ng barangay kung saan siya binaril at pinatay. Tatlong iba pa ang inaresto ng AFP. Pinatutunayan ng mga lokal na saksi na walang labanan, taliwas sa mga pahayag ng militar at pulisya.

“Ang media at ang publiko ay nililinlang ng huwad na impormasyon ng AFP upang pagtakpan ang kanilang krimen,” ayon kay Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng PKP. “Ang pagpatay kay Ka Rekka matapos siyang mahawakan ay malinaw na labag sa batas at isang matinding paglabag sa internasyunal na makataong batas.”

Nagpaabot ang PKP ng pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Ka Rekka, isang militanteng rebolusyonaryong minamahal ng masang magsasaka at mga Lumad sa Mindanao.

“Sa kabila ng lahat ng paghihirap at sakripisyo, nagpunyagi si Ka Rekka at ibinigay ang kanyang lahat. Dala niya lagi ang saya at sigla sa BHB at sa masa. Ang kanyang mga kontribusyon sa lahat ng larangan ng rebolusyonaryong gawain ay iingatan at aalalahanin ng bayan magpakailanman.”



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » Bikolanos register opposition to American troops’ presence in Legazpi City

Progressive organizations in Bicol protested on August 14 in Legazpi

Ang Bayan » Linggo ng PLGA, ipinagdiwang sa India

Ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan sa India, sa pamumuno ng Communist