Ang Bayan Ngayon » Grupo sa karapatang-tao, nababahala sa mungkahing pagbabalik sa barangay intelligence network

January 27, 2024


Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang grupong Karapatan sa mungkahi ng upisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na muling buhayin ang barangay intelligence network (BIN) para umano sawatahin ang iligal na droga. Nangangamba ang grupo na magdudulot ito ng pagtindi ng ekstra-hudisyal na mga pagpatay at iba pang malulubhang paglabag sa karapatang-tao sa mga barangay.

Ayon sa grupo, ang mungkahing buhayin ang BIN ay karugtong ng inilabas na Executive Order No. 54 (EO 54) ng Malacañang noong Enero 19 na nag-utos ng reorganisasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA). Ayon sa EO 54, isinasaayos ang NICA para umangkop sa “nagbabagong mga banta sa pambansang seguridad at tiyakin ang masiglang pangangalap ng intelidyens.”

Sa bisa nito, binuo ng rehimeng Marcos sa ilalim ng NICA ang isang upisina para magpokus sa tinawag nitong “cyber and emerging” na mga banta na may layuning balangkasin ang kilos ng rehimen laban sa banta sa cybersecurity, mga armas para sa malawakang pagwasak, at iba pang lumilitaw na banta.

Giit ng Karapatan, hindi malabong ipailalim nito ang banta ng iligal na droga sa bansa sa kategoryang “lumilitaw” o “hindi tradisyunal na banta.” Anila, gagamitin itong salalayan sa pagbuhay sa BIN.

Sa kasaysayan, ang BIN ay itinatag ng estado bilang instrumento sa kontra-insurhensyang kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan. Ayon sa Karapatan, sa ganitong balangkas ginamit ng estado ang BIN para tukuyin ang sinasabing mga lider at kasapi ng mga aktibistang organisasyon na itinuturing ng estado na sumusuporta sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan.

“Hindi iilang mga lider masa at aktibista ang iligal na inaresto, hindi makatarungang ikinulong sa patung-patong na mga kaso at pakanang pekeng ebidensya, dinukot, dinesaparesido o naging biktima ng ekstra-hudisyal na pagpaslang dahil sa buktot na trabaho ng mga operatiba ng BIN,” ayon sa grupo.

Sa ilalim ng nireorganisang NICA, ang bubuhayin na BIN ay maaaring lantarang gamitin laban sa iligal na droga, pero hindi malabong gamitin din para sa kontra-insurhensyang kampanya at ipaloob sa tinagurian ng gubyerno na “whole of nation approach,” paliwanag ng Karapatan.

“Para bigyang katwiran ito, maaari nang tusong magbuo ng pekeng kwento ang NICA na nag-uugnay sa palitan ng iligal na droga sa insurhensya o sa progresibong kilusan, katulad nang ginawa na sa ilang mga rehiyon sa bansa,” dagdag pa nila.

Binatikos din nila ang sinasabing pokus ng NICA sa “cybersecurity” na mangangahulugan ng pinatinding paniniktik sa cyberspace at pagbabantay sa mga email at social media ng target na mga indibidwal.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: NO U.S bomber plane over Chinese airspace

A two-month old YouTube video that was reuploaded by a

Who said Marcos war on drugs is ‘bloodless’?

Newspaper reports quoting members of Congress are describing Pres. Ferdinand