Ang Bayan Ngayon » Iligal na demolisyon sa komunidad ng 700 pamilya sa Quezon City

April 19, 2024


Iligal na giniba ng pinagsamang mga pwersa ng National Housing Authority at pulis ang kabahayan sa Sityo San Isidro, Barangay Pag-asa, Quezon City kahapon, Abril 17. Ayon sa ulat ng Kadamay, 50 bahay ang winasak ng pinagsanib na mga pwersa ng National Housing Authority at mga pulis ng Quezon City para bigyan-daan ang planong itayong paradahan ng Philippine Children’s Medical Center. May 700 pamilya sa naturang komunidad.

Sa ulat ng grupo, walang notice of demolition o certificate of compliance na ipinakita ang mga demolition team. Isinagawa ang paggiba ng mga bahay nang walang naunang konsultasyon. Wala ring alok na relokasyon o ayuda sa mawawalan ng tirahan. Lahat nang tumutol sa demolisyon ay pinagbantaang kakasuhan. Kara-karaka ang pagpapalayas ng mga residente sa lugar. Pagkatapos ng demolisyon, natulog sa kalsada ang 20 pamilya, kabilang ang mga buntis at nanay na may mga sanggol.

Dating 1,700 pamilya ang nakatira sa Sityo San Isidro, pero marami nang napaalis sa lugar dahil sa palagiang banta ng demolisyon. Napilitan silang tumanggap ng relokasyon sa malalayong lugar tulad ng Pandi at Norzagaray sa Bulacan, at sa Morong sa Rizal.

Mariing kinundena ng Kadamay ang iligal na demolisyon, ang kawalang proseso, konsultasyon, babala, dokumentasyon at makatarungang kompensasyon nito. Kinundena din nila ang intimidasyon at pambabanta ng PNP at ng demolition team.

“Habang nagpapatuloy ang demolisyon sa katabing sityo ng San Roque, bilang bahagi ng pagtatayo ng Solaire North, hindi lamang bigo ang lokal na gubyerno ng Quezon City… na protektahan ang mga constituent nito sa syudad, naging aktibong kalahok pa ito sa panggigipit.” Ang Solaire North, isang magarbong hotel at casino, ay bahagi ng Bloomberry Resorts Corporation na pagmamay-ari ni Enrique K. Razon Jr.

Ayon sa Kadamay, laganap ang pagpapalayas sa mga maralita sa kanilang mga komunidad. Anito, mula Enero hanggang Marso lamang ngayong taon, nagkarooon na ng 2,424 insidente ng mga sunog, karamihan sa mga maralitang komunidad.

“Kilalang taktika ng mga developer ang pwersahang pagpapalayas sa mga residente mula sa kanilang mga bahay,” ayon sa grupo. Noon lamang Marso, nasunog ang Barangay Pinyahan, Quezon City.

Sa labas ng Metro Manila, di bababa sa walong sunog na ang naitala sa Cavite, kung saan nakatakdang ang konstruksyo ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEX), at ang 420-ektaryang proyektong reklamasyon sa Bacoor City.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan | October 7, 2023

  Download here Pilipino: PDF EPUB MOBI Read in: Pilipino

IAEA Greenlights for Japan’s Nuclear Wastewater Discharge | News

On Tuesday, Rafael Grossi, the director of the International Atomic Energy