Ang Bayan Ngayon » ILPS-US, lumahok sa kampuhan ng mga estudyante sa US

April 30, 2024


Lumahok ang International League of Peoples’ Struggle – US Country Chapter sa Gaza Solidarity Encampment ng mga estudyante sa Colombia University, matapos marahas na buwagin ng mga pulis noong Abril 25.

“Naninidigan (kami)..sa mga estudyante…habang militanteng nilang iginigiit ang kanilang pagkakampo bilang pakikiisa sa mga taga-Gaza para itulak ang unibersidad na iatras ang pamumuhuann nito sa Israel sa harap ng panggigipit ng estado,” pahayag ng grupo noong Abril 29. Ang marahas na pagbuwag sa kampuhan, at matatag na paninindigan dito ng mga estudyante, ay naging mitsa sa pagkalat ng protesta sa iba pang unibersidad sa US at iba pang bansa.

“Hindi nararapat para sa Columbia University na basta na lamang burahin ang kampuhan na para bang isa lamang itong pangit na tanawin sa kampus,” ayon sa ILPS-US. “Dapat nitong harapin ang makatarungang hiling ng mga estudyante at komunidad na pinagsasamantalahan at pinagkakakitaan nito.”

Nakiisa rin ang grupo sa mga estudyante ng Yale University at iba pang mga kampus sa US na nagtayo ng kani-kanilang Gaza Solidarity Encampment at tuluy-tuloy na nakikiisa sa mga martsa para sa hustisya sa Palestine.

“Ang militanteng pakikibaka para sa pagpapalaya ng Palestine ay lalong umiigiting, at hindi ito mapipigilan,” ayon sa grupo.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » Tagapagsalita ng Bayan sa Maynila, ginigipit at minamanmanan ng estado

Kinumpronta ni Enrique Lozada Jr. (Teng), tagapagsalita ng Bagong Alyansang

Russian Airstrikes Hit Militants Near U.S. Garrison In Syria’s Al-TanfSouth Front

A Russian Su-24 strike aircraft in the sky over the