Ang Bayan Ngayon » Malawakang kampanya kontra-chacha, inilunsad ng mga taong-simbahan sa Negros

February 11, 2024


Inilunsad ng One Negros Ecumenical Council (ONE-C) ang isang malawakang kampanya laban sa charter change o chacha kahapon, Pebrero 10, sa St. Joseph the Worker Parish Church of the Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa Bacolod City. Kabilang sa mga nagsalita sa programa sina Rep. Neri Colmenares, pinuno ng Bayan Muna, at dating gubernador ng Negros Occidental na si Rafael Coscolluela.

Dumalo sa pagtitipon ang mga lider ng iba’t ibang simbahan, relihiyosong denominasyon, non-government organization, at mga organisasyong masa ng mga abugado, kabataan, akademiko at mga propesyunal. Lumahok rin dito ang mga grupo sa transportasyon, manggagawa, magsasaka at iba pa.

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, tagapangulo ng ONE-C at obispo ng San Carlos, inilunsad ang kampanya para patatagin ang tugon ng Simbahan at mga taong-simbahan, at bilang pakikiisa sa lahat ng “mabubuting mamamayan sa panawagan para sa alternatibong mga hakbang na nakabatay sa hustisya at pakikipagsimpatya (compassion).”

Sa press conference na inilunsad pagkatapos ng porum, inilarawan ni Colmenares ang pinakahuling pakanang pagpapapirma para sa chacha bilang “pinakamabilis” at “pinakamalawak” sa kasaysayan ng pakana na itinulak ng naunang mga rehimen. Palatandaan umano ito ng pagpapakilos ng mga lokal na upisyal gamit ang pondo ng bayan.

Inimbitahan niya ang mga kalahok ng porum na makiisa sa pagkilos sa gagawin sa Pebrero 25, anibersaryo ng Pag-aalsang Edsa.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Typhoon Yolanda survivors stand against mining in Eastern Samar

Residents, church people say no to mining in Eastern Samar

Global rights coalition commit to continuing solidarity with Filipinos

About 120 rights advocates from over 30 organizations across the