Ang Bayan Ngayon » Marcos, kinutya ng Gabriela sa pahayag nito ukol sa OSAEC

April 28, 2024


Kinutya ng Gabriela ang pahayag ni Ferdinand Marcos Jr kaugnay sa mataas na bilang ng mga kaso ng online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC o online na pang-aabuso at pagsasamantalang sekswal sa mga bata) sa Pilipinas. Sa isang talumpati niya noong Abril 25, sinabi ni Marcos na “kinukundena” niya ang mga krimen na ito at inatasan ang pulis at mga ahensya ng gubyerno na isagawa ang “crackdown” laban dito.

“Kung totoong nababahala ka sa mataas na bilang ng mga kaso ng mga pang-aabusong sekswal sa mga bata, bakit mo pinayagan ang abusadong mga tropang Amerikano sa bansa?” tanong ng Gabriela sa isang pahayag noong Abril 27.

Mahaba ang listahan ng mga krimen ng mga tropang Amerikano laban sa mga bata at kababaihan sa mahabang kasasaysan ng pamamalagi nito sa bansa. Sa mga base nito sa Angeles at Olongapo, naging talamak ang prostitusyon ng kababaihan at mga bata sa tinatawag na “prostitusyong militar.” Umabot sa 60,000 babae ang nasadlak noon sa prostitusyon, kung saan 20,000 bata o menor de edad. Noong umiiral pa ang malalaking base militar na ito ng US, naitala ang 3,274 na kaso ng karahasan sa kababaihan na kinasangkutan ng mga sundalong Amerikano. Labinlima sa mga pang-aabuso ay sa mga menor de edad, at lahat ng kaso ay ibinasura.

Noong 1983, labing-walong menor de edad ang nagkaroon ng AIDS dahil sa prostitusyon. Noong 1990, isang 18-buwang sanggol ang nahawaan ng sakit na gonorrhea (sakit na nakukuha sa pakikipagtalik) matapos siya abusuhin kasama ang kanyang ina ng tatlong sundalong Amerikano sa isang apartment sa Subic.

Noong 1987, sa Subic, namatay si Rosario Baluyot, isang 12 anyos na batang babae matapos magkaroon ng impeksyon ang kanyang ari matapos maiwan sa loob ang isang bahagi ng “vibrator” na ipinasak ni Heinrich Stefan Ritter. Nakulong si Ritter nang ilang taon subalit pinalaya din matapos pawalansala ng korte.

Kahit matapos mapatalsik ang mga base militar ng US, patuloy ang pang-aabuso ng mga sundalong Amerikano sa kababaihang Pilipino.

“Kailangan nating alalahanin si Vanessa, Nicole, Jennifer at marami pang bikima ng pang-aabuso at pagsasamantalang sekswal ng mga Amerikano,” ayon sa grupo. “Kailangang pangunahan ng kababaihan ang pagpapanagot sa gubyernong Marcos sa kasunduan nito sa gubyerno at militar ng US, na mayroong madugong rekord ng pang-aabuso sa kababaihan at mga bata!”

Panawagan nila, patalsikin ang mga tropang Amerikano sa teritoryo ng Pilipinas. Kasalukuyang mayroong 11,000 tropa ng US sa bansa para sa Balikatan, isa sa 500 war game at aktibidad militar na isasagawa ng US sa Pilipinas sa 2024.

Kinundena rin ng Gabriela ang deka-dekada nang pagpapabaya at kawalang-aksyon ng gubyerno ng Pilpinas kaugnay sa paparaming kaso ng pandarahas laban sa kababaihan at bata, kabilang ang mga kasong kinasangkutan ng mga Amerikanong sundalo.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

China is now the ‘world’s sole manufacturing superpower’, EU think tank says

China has overseen world-historic economic growth through a government-led development

Erdogan to Keep Bolstering Türkiye's Regional Influence

Turkish President Recep Tayyip Erdogan has secured his third term