Ang Bayan Ngayon » Mga magsasaka ng Hacienda Tinang, naigiit ang karapatan sa lupa sa DAR

April 16, 2024


Muling naigiit ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac ang kanilang lehitimo at ligal na karapatan sa lupa sa ginawang dayalogo sa pagitan nila at ng pambansang upisina ng Department of Agrarian Reform (DAR) kahapon, Abril 15. Pangako ng DAR na maibibigay na sa kanila ang lupa sa loob ng 15 araw.

Kasabay ng dayalogo, nagpiket ang mga magsasaka, kasama ang kanilang mga tagasuporta sa harap ng upisina ng kagawaran. Kasama rin nila sa piket-dayalogo ang 100 residente ng Sityo Balubad, Barangay Anunas, Pampanga. Pormal na inihapag ng mga taga-Balubad ang kalagayan nila sa Pampanga, kung saan nahaharap sila sa bantang demolisyon at pagpapalayas.

Ilang ulit nang nakipagdayalogo ang mga mga taga-Tinang sa DAR dahil sa tumatagal nang pangako nitong igagawad na sa kanila ang 63.4-ektaryang lupang matagal na nilang binubungkal. Ang huli sa mga dayalogong ito ay noon lamang Marso 20 kung saan ibinalita sa kanila ang pag-“install” o pagpwesto sa kanila bilang tagapagmay-ari ng lupa sa Abril 11.

Pero noong Abril 5, nakatanggap ng sulat ang mga magsasaka na biglang pagkansela ni Provincial Agrarian Reform Program Officer Rogelio Marzan ng paggawad ng mga titulo. Wala maaayos na maisagot ang lokal na upisina ng DAR sa Tarlac kaya minabuti ng mga magsasaka na ihapag ang kanilang kaso sa pambansang upisina.

Sa bahagi ng mga residente ng Barangay Anunas, mayor na usapin sa kanila ang pagkansela ng lokal na upisina ng DAR sa Pampanga ng kanilang mga CLOA para bigyan-daan ang pag-agaw ng Vive Eagle sa 73-ektaryang lupang binayaran na mga residente.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Türkiye Announces Grain Deal Extension

Turkish President Recep Tayyip Erdogan announced Wednesday that the Black

Another Israeli Attack On The Al-aqsa Mosque

Israeli forces stormed the Al-Aqsa Mosque in Jerusalem on Wednesday