Ang Bayan Ngayon » Mga manggagawa, nagtungo sa embahada ng US para iprotesta ang Balikatan

April 27, 2024


Nagmartsa patungong embahada ng US ang mga manggagawang kahapon, Abril 26, para tuligsain ang isinasagawang Balikatan war games. Ang pagkilos ay pangatlo sa serye ng inilunsad ng mga manggagawa sa Kilusang Mayo Uno (KMU) na Red Friday Protest ngayong buwan.

Tinuligsa ng mga manggagawa ang anila’y pagpopostura para sa gera ng US na lalong nagpapatindi sa tensyon sa West Philippine Sea. Kinundena nila ang paggamit ng China ng “gray tactics,” at ang paggamit ng US sa mga insidenteng ito para ipaarangkada ang tensyon sa rehiyon ng Asia-Pacific.

“Talo na si Genocide Joe (US President Joseph Biden) sa Ukraine at Gaza, at nabunyag na niya ang kanyang sarili bilang tagapaghatid ng gera…,” pahayag ng KMU.

Ang presensya ng US sa Pilipinas ay bahagi ng mga pagsisikap nitong panatilihin ang mga interes nito sa ekonomya sa bansa at sa buong Asia, ayon sa grupo.

Nagbabala ang KMU na bahagi nito ang iniraratsada ng rehimeng Marcos na charter change na nagbebenta sa Piipinas sa mga dayuhan.

“Inilalagay ni Marcos ang mga Pilipino sa gitna ng nag-uumpugang United States at China, at tinitiyak niyang puno ang kanyang bulsa ng mga Amerikanong dolyar habang ginagawa ito,” anito. Panawagan ng KMU na magkaisa ang mga patriyotiko, demokratiko at mapagmahal sa kapayapaang Pilipino at mga internasyunal na alyado nito na tutulan ang panghihimasok ng US sa ekonomya, pulitika at militar sa Pilipinas.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Farmers decry low agri budget in 2024

By EIKEE JAMELA CAPPAL and RONJAY MENDIOLABulatlat.com MANILA – Filipino

VERA FILES FACT SHEET: Is Teves a terrorist?

The National Bureau of Investigation (NBI) filed multiple murder, frustrated