Ang Bayan Ngayon » Mga progresibong partido, nakiramay sa mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

June 6, 2024


Nakiramay ang Bayan Muna at kapatid nitong mga partido sa mga residenteng apektado sa sakuna na dulot ng pagputok ng Bulkang Kanlaon noong gabi ng Hunyo 3. Nagbuga ang bulkan ng makapal na usok na may taas na 5,000 metro. Mula Hunyo 4, nagsimula na rin itong maglabas ng lahar na dumaloy sa mga ilog at talon, at umapaw sa mga kalsada.

“Sa mga kasimanwa (kababayan) sa Negros, halong gid!” panawagan ng Bayan Muna Partylist. Sa kasalukuyan, nakalagay na sa state of calamity syudad ng Canlaon at munisipalidad ng La Castellana.

Umabot na ang lahar sa mga barangay sa paanan ng bulkan habang nabalot ng abo ang mga sakahan sa anim na barangay ng La Castellana. Mahigit 232 pamilya o 1,500 residente ang napilitang lumikas sa kanilang mga tirahan dahil sa pagsabog ng bulkan. Marami sa kanila at pansamantalang nakatigil ngayon sa sentro ng La Castellana.

Sa kasalukyan, nakataas pa ang Alert Level 2 sa Kanlaon na nagbabawal ng pagpasok at pananatili ng publiko sa 4-kilometrong radius na Permanent Danger Zone.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), huling pumutok ang Kanlaon noong 2017. Ang unang naitalang pagputok nito ay noong 1819.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss