Ang Bayan Ngayon » Pagpapalaya sa aktibista sa Northern Mindanao, iginiit

May 6, 2024


Inilunsad ng mga taong-simbahan, sa pangunguna ng Iglesia Filipina Independiente (IFI), ang kampanyang Free Aldeem Yañez Movement sa IFI Conference Center sa Maynila noong Abril 27. Giit nila na palayain sa pinakamadaling panahon si Yañez, isang lay worker ng IFI, na inaresto noong Abril 10, 2022.

Si Yañez ay inaresto ng mga pulis at sundalo sa kanyang bahay sa Barangay Iponan, Cagayan de oro City. Sa panahong iyon, sinampahan siya ng mga kasong illegal possessions firearm and explosives. Noong Agosto 2023, sinampahan ng karagdagang kaso ng “terrorism financing” kasama ang 15 pang mga taong-simbahan at kasapi ng Rural Missionary of the Philippines (RMP).

Unang inaresto si Yañez noong Hulyo 2018 kasama ang 12 iba pa sa General Santos City. Pinararatangan sila noon na sangkot sa pag-atake ng Bagong Hukbong Bayan sa isang kampo-militar sa Agusan del Sur. Ibinasura ng korte ang kasong ito dahil sa kawalan ng sapat na batayan at ebidensya.

Bago nito, nagsilbi siyang pangulo ng organisasyon ng mga kabataan sa IFI. Kilala rin siyang kompositor na nagtatampok ng kanyang paninindigan para sa karapatang-tao.

Dumalo sa pagtitipon ang mga opispo, pari, mga grupong simbahan, mga kabataan at ang mismong pamilya ni Yañez. Nagpaabot rin ng suporta ang Zentrum fur Mission und Oikumene of the Evangelical Lutheran Church ng Northern Germany.

“Ang kilusang ito ay hindi lamang naninindigan para sa kalayaan ni Aldeem kundi nananawagan din ng sa hustisya para sa lahat ng mga bilanggong pulitikal na hindi makatarungang ikinulong ng estado,” pahayag ng IFI Central Office.

Paliwanag pa ng simbahan, hindi lamang ito simpleng ligal na laban kundi isang moral na paninindigan. “Tungkol ito sa paglikha ng isang lipunan kung saan ang mga nagtataguyod sa mga karapatan ng mga mahihirap ay kinikilala, hindi sinisiraan o pinararatangang kriminal,” ayon pa sa kanila.

Samantala, bumisita kay Yañez sa kulungan ang kanyang pamilya, si IFI Bishop Felixberto Calang, mga kleriko ng Cagayan de Oro Diocese, at si Roman Catholic Bishop Antonio Ledesma noong Abril 24, sa kanyang ika-50 kaarawan. Ayon sa kanila, mataas at hindi nababasag ang diwa ni Yañez kahit pa dalawang taon na siyang ikinukulong ng estado.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Paniniwala

Hangal ang sumasamba sa tatag ng namamayani/Sa walang-hanggang pagkakahati ng

PRWC » Large funds for fascism and extravagance

Amid people’s gross suffering due to incessant price increase and