Ang Bayan Ngayon » Panggigipit at pananakot ng Nexperia Philippines sa mga manggagawa, tangka para pigilan ang welga

August 11, 2024


Kinundena ng Nexperia Philippines Inc. Workers’ Union (NPIWU-National Federation of Labor Unions-Kilusang Mayo Uno) ang panggigipit at pananakot ng maneydsment ng kumpanya sa harap ng napipintong welga ng mga manggagawa. Ayon sa unyon, pinalalaganap nito ang bali-balitang ituturing ng kumpanya na AWOL (absent without leave) at hindi bibigyan ng benepisyo ang sinumang lalahok sa welga ng mga manggagawa.

Liban dito, ipinakakalat din ng kumpanya na bibigyan nito ng “double pay” o dodoblehin ang sahod ng mga manggagawang papasok sa panahon ng welga. Bibigyan sila ng espesyal na identification card (ID) sa panahong ito.

“Ang ganitong mga pakana ng maneydsment ay harasment, intimidasyon, pambabastos at panlilinlang. Ginagawa nila ito upang maghasik ng pananakot at pagkalito sa ating hanay upang itulak tayong itigil ang ating paglaban para proteksyunan ang kaniyang tubo,” pahayag ng NPIWU-NAFLU-KMU.

Bumoto pabor sa welga ang malaking mayorya, 1,248 myembro, ng mga kasapi ng unyon noong Hulyo 29-30 sa Cabuyao, Laguna. Maayos na naidaos ito matapos ang naunang naantalang botohan noong Hulyo 17-18 dahil sa lantarang pakikialam ng maneydsment. Inihain ng unyon ang kanilang Notice of Strike noong Hunyo 26.

Inilinaw ng unyon na walang kahit anong probisyon sa batas na pwedeng maging batayan ng kumpanya para magpataw ng “AWOL” sa mga manggagawang lumahok sa welga. “Tandaan natin na sumunod tayo sa mga ‘rekisito’ sa pagwewelga,” pagdidiin pa ng NPIWU. Sa kabila ito ng malaon nang pananaw ng mga manggagawa na kahit ang mismong batas para sa pagwewelga, paghahain ng pabatid, at iba pa, ay balakid sa karapatan ng mga manggagawa sa pagwewelga.

“Ang bawal ay ang ginagawa ng management na harassment at intimidation. Dagdag pa, ang pagpapapasok nila sa panahon ng welga at pagbabayad ng doble ay panibagong paglabag sa STRIKE BREAKER LAW,” anang unyon.

Hinamon ng NPIWU ang mga kapwa nito manggagawa na ihanda ang sarili sa intimidasyon at panlilinlang sa harap ng napipintong pagputok ng welga. “Kailangan maging mapagbantay, mapagmatyag at proactive tayo sa pagreport sa mga upisyales ng unyon ng ganitong klase ng balita upang maklaro natin ang katotohanan,” ayon sa unyon.

Dapat umanong mabatid ng mga manggagawa na ang kanilang laban para sa pagwewelga ay makatwiran. “Makatwiran ang lumaban para sa kasiguruhan sa trabaho! Umabot tayo sa strike dahil ayaw tayong pakinggan ng management sa panawagan natin!” pagdidiin nito.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Food Crisis to Escalate Across East and Horn of Africa in 2023

On Wednesday, the Intergovernmental Authority on Development (IGAD) released the

Ang Bayan » Katutubong Mangyan, dinukot at tinortyur ng 4th IB

Dinukot, tinortyur at iligal na ikinulong ng mga sundalo ng