Ang Bayan Ngayon » Walang patumanggang pambobomba at panganganyon ng 10th ID sa Bukidnon

March 4, 2024


Ang artikulong ito ay may salin sa English

Gamit ang mga pwersa ng 89th IB, 48th IB, 72nd DRC at mga pulis, walang patumangga ang pambobomba at panganganyon ng 10th ID ng AFP sa mga bayan ng Bukidnon.

Sa ulat na ipinasa kamakailan ni Ka Malem Mabini, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan sa North Central Mindanao Region, naitala ang di bababa sa apat na insidente ng pambobomba mula Disyembre 2023 hanggang nitong Pebrero.

Pinakahuli rito ang 13 na ulit ng panganganyon nang walang klarong direksyon sa bulubunduking lugar sa hangganan ng mga bayan ng San Fernando, Quezon at Valencia City noong Pebrero 23, mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon. Bago nito, 13 na ulit ring kinanyon ng AFP ang parehong lugar, mula alas-3 ng madaling araw hanggang ala-7 ng umaga noong Pebrero 21.

Nagdulot ang panganganyon ng malawak na ligalig at pinsala sa kabuhayan ng mga magsasaka na nakatira sa paligid at paanan ng mga bundok. Dahil sa takot na tamaan ng mga bomba o maakusahang myembro o tagasuporta ng BHB, di sila tumungo sa kanilang mga sakahan para anihin ang kanilang mga produktong saging, mais, abaka at iba pang pananim.

“Walang engkwentro sa pagitan ng BHB at teroristang AFP sa lugar sa panahong iyon,” paglilinaw ni Ka Malem. “Layunin lamang ng pasista na takutin ang mamamayan na pinagdududahan nilang sumusuporta pa rin sa BHB hanggang sa ngayon.”

May natanggap na ulat ang yunit ng hukbong bayan na apat na sibilyang residente ng Purok 3, Kauswagan, Little Baguio sa bayan ng San Fernando ang sapilitang pinaggiya para hanapin ang “kampo” ng BHB na malapit sa kanilang mga sakahan. Apat na araw silang hinawakan ng AFP bago sila pinauwi sa kanilang mga bahay.

“Ang mga insidenteng ito ay karugtong ng tuluy-tuloy na focused military operation o FMO na nagsimula pa noong Disyembre 2023 kung saan nagkaroon ng tatlong magkasunod na engkwentro sa pagitan ng BHB at AFP sa Barangay Lipa, Quezon at sa Sityo Minalong, Kahusayan, sa bayan ng Kitaotao,” ayon kay Ka Malem.

Noong Enero 6, nagsagawa ang militar ng mga aerial bombing gamit ang eroplanong pandigmang Super Tucano at mga helikopter na MD520 sa magkanugnog na mga barangay ng Minongan, Kawayan at Sta. Filomena, lahat sa bayan ng Quezon. Kinanyon din nito ang lugar gamit ang mga 105 howitzer.

Walang tinamaan ng Pulang mandirigma sa panganganyong ito, at ligtas na nakaatras ang yunit ng BHB na nasa lugar sa panahong iyon. Sa kabilang panig, dumanas ng matinding troma ang mga residente ng nabanggit na mga barangay dahil tumama ang mga bomba malapit sa kanilang komunidad.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: Robredo did NOT deliver own SONA

A video on Facebook (FB) claimed that former Vice President

Ang Bayan | May 21, 2023

Download here Pilipino: PDF EPUB MOBI Read in: Pilipino The