Ang Bayan » Operasyon sabit sa Antipolo City, isinagawa ng NDF-Rizal

November 7, 2023


Matagumpay na naisagawa ng mga pwersa ng National Democratic Front-Rizal ang mabilisang pagsasabit ng balatengga sa Antipolo City noong Nobyembre 5. Nakasulat sa balatengga o istrimer ang pangalan ng mga martir na mandirigma ng Narciso Antazo Aramil Command ng Bagong Hukbong Bayan-Rizal.

Pinarangalan ng NDF-Rizal sina Ermin Bellen (Ka Romano), Lucio Simporoso (Ka Bisaya) at Jose Villahermosa (Ka Pancho). Brutal silang minasaker ng mga pasistang pulis at sundalo habang natutulog sa isang bahay noong Disyembre 2019. Nakilala ang kaso na Antipolo 3.

Pinarangalan din ng NDF sa prubinsya sina Misael Ontangco (Ka Goreng), Roger Villaflores (Ka Hammer) at Pablito Glindo (Ka Luis) na kinikilala ng rebolusyunaryong kilusan bilang magigiting na lider at mga kumander na nakibaka para sa mga karapatan ng mga katutubo at magsasaka.

Kinilala rin ang mga modelong kabataang martir na sina Kevin Castro (Ka Facio), Angelo Pongyan (Ka Toto), Eliza Pera, Josella Peñano at Kathrina Gatlabayan Zapanta na tinalikuran ang kanilang magiginhawang buhay at inialay ang kanilang talino para maglingkod sa sambayanan.

Kasabay sa mga nabanggit ay pinarangalan din ng NDF-Rizal ang mga Pulang bayani na sina Narciso Antazo Aramil, Rodel Cruz (Ka Delo), Nida Dismaya, Gilbert Tigas, Deoscorro Cello, Vergil Mateo, Rizaldy Mirasol, Florencio Regidor, Violeta S. Timajo, at lahat ng iba pang mga martir na walang pangalan, walang mukha, ngunit nagsilbi sa masang api hanggang kamatayan nang walang hininging kapalit.

Sa kanilang pagbibigay ng pinakamalaking sakripisyo para sa sambayanan, sila ay magsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy ang rebolusyong Pilipino. Sa pag-alala sa kanila ng rebolusyonaryong mamamayan, mamamalagi ang kanilang mga pangalan at kwento sa isipan at puso na puno ng alab hanggang sa pagtatagumpay ng digmang bayan. (Ulat mula sa NDF-Rizal)



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Fraudulent Counting In Zimbabwe’s General Elections

Zimbabwe’s election authorities consider that there have been fraudulent counts

Israel Steps Up Attacks On SyriaSouth Front