Ang Bayan » Pagpapaulan ng bala ng 62nd IB sa Negros Occidental, kinundena

October 12, 2023


Kinundena ng September 21 Movement-South Negros, isang grupo nagtataguyod sa karapatang-tao, ang walang patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 62nd IB sa Sityo Kapaklan, Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental noong Oktubre 6, bandang ala-1 ng madaling araw. Ang pamamaril ay naganap malapit sa bahay ng isang residente sa lugar. Pinasinungalingan ng grupo ang sinabi ng 62nd IB na may naganap na engkwentro sa barangay.

Sa ulat ng grupo, pinasok ng mga sundalo ang bahay ni Telma dela Cruz at hinanap ang kanyang 40-anyos na anak na si Dante. Nang hindi makita si Dante, pinagbabaril ng mga berdugo ang tubuhan ng pamilya. Hindi pa nasiyahan, pinondohan o hindi umalis ang mga sundalo sa bahay ng pamilya. Nagdulot ito ng labis na pangamba sa mga residente na nag-ulat sa mga lokal na upisyal ng barangay.

Pinalalabas ng 62nd IB na tumagal ang “engkwentro” ng 5-minuto at nakumpiska nila ang dalawang matataas na kalibre ng armas, mga granada, bakpak at iba pang kagamitang militar.

Bago ang pamamaril, si Dante ay dinakip ng 62nd IB at idinetine sa detatsment nang walang kahit anong kaso laban sa kanya noong Oktubre 3. Pinakawalan siya ilang oras matapos ang pagkukulong. Ayon sa grupo, hindi ito ang unang beses na ganitong mga tipo ng pang-aabuso ng 62nd IB.

Nanawagan ang grupo ng imbestigahan ang mga kasong ito at papanagutin ang mga sangkot sa krimen. Samantala, naglabas ng pahayag ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros na naglinaw na walang yunit ng hukbong bayan na nakasagupa ng 62nd IB sa araw na iyon.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Dadaigin ng Bagong Hukbong Bayan ang rehimeng US-Marcos

Walang naniwala sa kamakailang deklarasyon ni Ferdinand Marcos Jr na

Uzbekistan To Hold Early Presidential Elections in July | News

On Monday, Uzbekistan’s President Shavkat Mirziyoyev called an early presidential