Ang Bayan » Pagtatalaga ni Marcos ng mga upisyal ng CORDS, binatikos ng NDFP

August 5, 2023


Tinuligsa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagtatalaga ni Marcos Jr noong Hulyo 31 ng mga upisyal ng Cabinet Officers for Regional Development and Security (CORDS) sa balangkas ng National Task Force-Elcac. Ayon sa NDFP, pagkakasangkapan ito sa sibilyang burukrasya bilang isang “armas.”

Ang pagtatalaga ng mga CORDS, tulad ng ginawa ng dating rehimeng Duterte, sa bawat rehiyon ay para palakasin at palawakin ang saklaw na mekanismo ng NTF-Elcac sa tabing ng “paghahatid ng mga programa at proyekto” ng gubyerno sa mga malalayong lugar o kung tawagin nito ay “geographically isolated and conflict-affected areas (GICAS).” Tulad sa nagdaang rehimen, sasaklutin nito ang sibilyang mga ahensya at pasusunurin sa atas ng NTF-Elcac.

Kabilang sa mga upisyal ng gabinete na pinangalanang CORDS ay si Jesus Crispin Remulla, kalihim ng Department of Justice, na itinalaga sa Southern Tagalog. “Si Remulla ay isang notoryus na red-tagger mula sa dinastiya sa Cavite. Responsable rin siya sa pagpapawalang-sala sa mga upisyal ng pulis na sangkot sa 2021 Bloody Sunday Massacre na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na aktibista sa Southern Tagalog,” ayon kay NDFP Chief International Representative Ka Luis Jalandoni.

Tinukoy rin ni Jalandoni si National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Secretary Allen Capuyan (itinalaga sa Caraga) na bantog na tagapagpatupad ng anti-mamamayang patakaran para papasukin ang mga proyektong nanghihimasok at nandarambong sa mga lupang ninuno sa bansa. Pinuna niya rin ang pagkakatalaga kay Leo Tereso Magno, apo ni Leopoldo Abellera na kalihim sa hustisya ni Marcos Sr noong batas militar.

“Ang paghirang sa mga myembro ng gabinete sa mga susing pusisyon sa NTF-Elcac ay nagpapakita ng nakababahala ngunit hindi na kagulat-gulat na pagkakatulad sa pasistang diktadurang Marcos, kung saan ang sibilyang burukrasya ay kinasangkapan para magsilbi sa interes ng dating naghaharing pangkating Marcos,” ayon pa kay Jalandoni.

Ayon pa sa NDFP, nakikita nila ang hakbang na ito bilang malinaw na indikasyon ng kabiguan ng kasalukuyang rehimen na isakatuparan ang pangako nito sa among imperyalistang US na “durugin ang Bagong Hukbong Bayan sa loob ng dalawang taon.”

Sa panahon ng rehimeng Duterte sinimulan ang pagpapagana sa CORDS sa tulak ng noo’y National Security Adviser na si Hermogenes C. Esperon Jr. Binaggit noon ng NSA na itinulak ito para “makatulong sa pagwawakas sa panrehiyon at lokal na mga komunista.”

Itinalaga ni Marcos Jr bilang tagapangasiwa sa mga rehiyon ang sumusunod:

Region I (Ilocos Region) – Conrado Estrella III
Cordillera Autonomous Region (CAR) – Jaime Bautista
Region II (Cagayan Valley) – Alfredo Pascual
Region III (Central Luzon) – Rexlon Gatchalian
National Capital Region (NCR) – Maria Susana “Toots” Ople
Region IV-A (Calabarzon) – Jesus Crispin Remulla
Region IV-B (Mimaropa) – Ivan John Uy
Region V (Bicol) – Bienvenido Laguesma
Region VI (Western Visayas) – Raphael Perpetuo Lotilla
Region VII (Central Visayas) – Maria Esperanza Cristina Frasco
Region VIII (Eastern Visayas) – Benhur DC Abalos Jr.
Region IX (Zamboanga Peninsula) – Manuel Bonoan
Region X (Northern Mindanao) – Jose Rizalino Acuzar
Region XI – Presidential Assistant for Eastern Mindanao Leo Tereso Magno
Region XII (Soccsksargen) – Ma. Antonia Yulo-Loyzaga
Region XIII (Caraga)- Allen Capuyan
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) – Carlito Galvez Jr.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Stand in Solidarity with the Workers in forging the future

APRN May Day Statement Recently, the world celebrated International Labor

Ang Bayan Ngayon » Human rights group condemn BuCor for degrading and humiliating visitors of political prisoners

Human rights and women’s groups have strongly condemned the body