Ang Bayan » Panganganyon sa Guihulngan City, naghatid ng takot sa mamamayan

August 6, 2023


Niyanig ng tatlong malalakas na pagsabog ang mga komunidad malapit sa Barangay Villegas, Guihulngan City, Negros Oriental noong Agosto 5 bandang alas-5 ng umaga. Ito ay mula sa panganganyon ng mga sundalo mula sa detatsment sa naturang barangay. Narinig ang pagsabog sa mga barangay ng Nagsaha, Balugo, Magsaysay, at Imelda.

Ayon sa ulat, tumagal nang mahigit isang oras ang panganganyon ng mga sundalo na nakahimpil sa detatsment. Umabot ito nang alas-6:30 ng umaga na nagdulot ng labis na pangamba at takot sa mga residente. Samantala, bumagsak ang mga bala ng kanyon sa kagubatang tinatawag na “Issi” sa bawndari ng naturang mga barangay.

Ang gubat ng “Issi” ay may tanim na mga gulay at pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka. Nagambala at nabulabog din ang mga kalabaw, baka at kambing ng mga residente na nakapastol malapit sa gubat dahil sa mga pagsabog.

Labis ang pangamba ng mga residente sa kanilang seguridad at maging sa kanilang kabuhayan dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nila nauusisa ang kalagayan ng kanilang mga sakahan at alagang hayop.

Liban sa panganganyon, nagpapatuloy din ang operasyong militar sa mga barangay. Nagpapalipad din ng mga drone ang mga sundalo.

Ito na ang ikatlong beses ng pambobomba ng 62nd IB at 7th Regional Mobile Force Battalion ng pulis sa Guihulngan City sa nagdaang linggo. Noong Agosto 3, ginamitan ng mga pulis ng grenade launcher ang Barangay Magsaysay habang ang 62nd IB ay nambomba din noong Agosto 5.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Reject $2.5B military aid to preposition US weapons in PH against China

The patriotic and peace-loving Filipino people, together with the American

At Least 7 People Killed by Police Gunfire in Guinea Protests

During demonstrations in Conakry, the capital city of Guinea, seven