Ang Bayan » Pwersang Lumad Bagani Force, ipinakat ng AFP sa Talaingod

April 14, 2023


Isang taon matapos ang “deklarasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na “insurgency-free” sa Talaingod, Davao del Norte, ipinakat nito ang 1,200 Bagani Force para umano magsilbing “tagapagpanatili ng kapayapaan” sa bayan. Pinasinayaan ng 56th IB ang panunumpa ng mga ito sa Barangay Santo Niño sa Talaingod, Davao Del Norte noong Abril 5.

Ang pwersang Bagani ay dadagdag sa dati nang bata-batalyong pwersa ng AFP sa naturang bayan na nanghahalihaw at nagdudulot ng takot at lagim sa mga komunidad ng Lumad at magsasaka. Isa ang bayan ng Talaingod sa pinakamilitarisadong lugar sa rehiyon.

Noong huling kwarto ng 2021, nakaranas ang Talaingod ng matinding militarisasyon kung saan ipinakat dito ang apat na batalyon ng AFP. Sa panahong ito, naghulog ang AFP ng 51 bala mula sa kanyong Howitzer at nagpaputok ng 18 misayl at ilandaang bala ng kalibre 50 masinggan malapit sa mga sakahan at komunidad ng Lumad.

Liban dito, maraming detatsment ng militar ang nakatayo sa mga komunidad sa tatlong barangay ng Talaingod. Umiiral din sa maraming komunidad ang paggarison o pagkontrol sa populasyon.

Ang ipinakat na 1,200 pwersang Bagani ay bahagi ng tinatawag na Integrated Territorial Defense Systems (ITDS) ng AFP. Kaugnay nito, nauna nang pinulong ng AFP noong Pebrero ang mga pwersang Bagani sa walong barangay ng San Fernando, Bukidnon, bayan na katabi ng Talaingod.

Nauna nang pinuna ng National Democratic Front (NDF)-Southern Mindanao ang ITDS na tinawag nitong “panibagong pasistang makinarya” ng AFP. Anito, gagamitin lamang ang mga ito para sa ibayong militarisasyon sa rehiyon para “protektahan ang pang-ekonomikong interes ng naghaharing mga uri at ang nagpapatuloy na pagpapakasasa ng AFP sa pampulitikang kapangyarihan at burukratikong nakaw.”



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang SONA sa kalsada – VERA Files

Ang SONA sa kalsada videos Sabi ni Pangulong Marcos, ang

Migrants call for an end to oppression and exploitation of seafarers

By Nuel M. Bacarra Migrante International (MI) demanded an end