Ang Bayan » Saan napunta ang badyet ng NTF-Elcac?

April 3, 2023


Noong Marso 30, inamin ng bagong-talagang direktor ng NTF-Elcac na si Lorenzo Torres na 16% lamang sa 846 ng proyektong farm-to-market road ng ahensya ang nakumpleto noong 2022. Nakapailalim ang mga mga ito sa Barangay Development Program na may badyet na ₱10 bilyong pondo sa taong iyon.

Para sa 2023, dinoble pa ng DBM ang badyet para sa BDP na para umano sa 956 baryo. Walang hiningi at ibinigay na detalye kung anu-anong baryo ang mga ito at anong klaseng mga proyekto ang itatayo dito. Mula nang itinatag ang NTF-Elcac noong 2018, nagsilbi nang palabigasan ng mga heneral sa badyet ng ahensya.

Pormal na itinalaga si Torres sa ahensya noong Marso 28. Bago siya magretiro, nagsilbi siyang kumander ng Northern Luzon Command. Naging kumander din siya ng 10th ID, 1003rd IBde at hepe ng Armed Forces Civil Relations Service.

Beteranong red-tagger si Torres. Noong 2018, pinamunuan niya ang yunit na nag-aresto at nagdetine sa dating kinatawan ng Bayan Muna na si Satur Ocampo, ACT Teachers Party Rep. France Castro at 16 na iba pa sa gawa-gawang kasong “trafficking” ng mga batang Lumad sa Talaingod, Davao del Norte.

Nasa lugar noon sina Ocampo, Castro at marami pang ibang progresibo para saklolohan ang mga batang Talaingod na noo’y pokus ng matinding pandarahas at panggigipit ng estado. Pinalaya sila ng korte matapos magpyansa ng ₱80,000 kada isa.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss