Ang Bayan » Samutsaring kapalpakan ni Sara Duterte at ng DepEd, binatikos ng mga guro

April 1, 2023


Kinastigo ng mga guro sa illaim ng Alliance of Concerned Teachers si Department of Education Sec. Sara Duterte sa kanyang kontra-guro at kontra-esudyanteng mga pahayag at patakaran, gayundin ang mga kapalpakan ng ahensya.

Ngayong araw, binatikos ng ACT ang ginawang pagbabago sa academic calendar kung saan sinaklaw ng pasukan ang Abril-Mayo, ang pinakamaiinit na buwan ng taon. Lumitaw ang kahirapan ng mga guro at titser na manatili sa klase sa “mala-pugon” na mga klasrum. Sa sarbey na ginawa ng grupo sa 11,706 mga guro, 67% ang nagsabing hindi nila kinakaya ang init, at marami ang hindi nakakapagturo. Maraming estudyante ang hindi na lamang pumapasok para iwasan ang init.

“Halatang hindi inaral mabuti batay sa kundisyon ng Pilipinas bilang bansang bulnerable sa climate change sa paglipat ng school calendar,” ayon kay ACT Rep. France Castro. “Para lang makasabay sa globalized trend, academic calendar shift agad agad. Poor planning talaga at ang kawawa na naman ay ang mga estudyante at mga guro.”

Panawagan ng ACT, ibalik ang dating academic calendar, kung saan may “summer break” ang mga estudyante sa Abril at Mayo.

Bago nito, binweltahan ng mga guro si Duterte sa kanyang pahayag na “imposible” at “di reyalistiko” ang pagkuha ng 30,000 guro para punan ang kakulangan sa mga guro at gawing manageable ang laki ng mga klase. Tinangka pang palabuin ni Duterte ang usapin nang akusahan niya ang mga titser na ginagamit ang isyu para “tabunan” ang naganap na engkwentro sa pagitan ng AFP at BHB sa Masbate, na umapekto sa mga estudyante.(Para sa karagdagang detalye, basahin ang pahayag ng Jose Rapsing Command kaugnay sa pag-atras ng mga sundalo sa mga paaralan matapos maganap ang mga engkwentro na malayo sa mga sentro ng populasyon.)

“Ilang taon na ring panawagan ito ng ACT Teachers party-list at ang pangmasang organisasyon na Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa mga nagdaang administrasyon at may iba-ibang lebel ng kanilang pagtugon dito pero ngayon lang nangyari na sabihin ng DepEd secretary mismo na ang mga panawagang ito ay ‘unrealistic and impossible’,” ayon kay Castro. “Malinaw sa kasyasayan na kaya itong magawa, ibukas lang sana ang isipan at wag puro red tagging ang inaatupag.”

Sa nakaraan, nagawang mag-empleyo ng DepEd ng 29,166 guro kada taon (panahon ng rehimeng Aquino 2) at kahit sa panahon ng ama ni Duterte na si Rodrigo Duterte, nagawa nitong mag-hire ng 25,000 guro kada taon.

Giit ng ACT na kailangang magdagdag ang DepEd ng 30,000 bagong titser at 50,000 bagong klasrum kada taon hanggnag 2028 para makamit ang tamang laki na mga klaseng may 35 estudyante. Sa kasalukuyan, doble o higit pa ang bilang ng mga estudyante kada klase. Sa kabuuan, nasa 147,000 ang kakulangan ng mga titser at 165,000 klasrum. Mangangailangan ang ahensya ng ₱14 bilyon para mapunan ang mga ito. Nasa 9,650 bagong guro lamang ang planong iempleyo ni Duterte para sa 2023.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: SATIRICAL post on Duterte-Carpio’s alleged discharge from AFP spreads on FB

A post on X (formerly Twitter) about the supposed dishonorable

2 Pangasinan-based environmental defenders abducted

by DOMINIC GUTOMANBulatlat.com MANILA – Two Pangasinan-based environmental defenders and