Ang Bayan » Sibilyang may kapansanan sa pag-iisip, pinatay ng 31st DRC sa Iloilo

December 27, 2023


Pinatay ng uhaw sa dugong mga pasista ng 31st Division Reconnaissance Company (DRC) ang may kapansanan sa pag-iisip na sibilyang si Bombik Bajoyo noong Disyembre 10 sa Sitio Tagbakan 1, Barangay Jayubo, Lambunao, Iloilo. Pinalalabas ng mga pasista na myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay si Bajoyo at na napatay siya sa isang engkwentro.

Tigas-mukhang nagpaabot ng pakikiramay si MGen. Marion R. Sison, kumader ng 3rd ID, sa pamilya ng biktima para pagtakpan ang katotohanan at karumal-dumal na krimen ng tropang pinamumunuan nito. Sinabi pa ni Sison na nakuha sa lugar ng “engkwentro” ang isang homemade shotgun.

Sa isang ulat ng lokal na midya, pinatunayan ng mga residente ng Sityo Jagnaya na sibilyan si Bajoyo at mayroon siyang diperensya sa pag-iisip. Posible umanong pinatay siya ng mga sundalo nang mapagkamalang Pulang mandirigma dahil sa mahabang buhok. Anim na taon nang nakatira sa Sityo Tagbakan ang biktima, ayon sa mga residente.

Ipinaskil naman sa social media ng kapatid ni Bajoyo ang panawagang hustisya para sa biktima. Aniya, sadyang lumayo sa mga kaanak ang biktima dahil sa takot na masaktan ang ibang tao sa panahong inaatake siya ng sakit. “Sana ma-clear na ang lahat na hindi po siya myembro ng NPA at sana maibalik ang nawala sa kanya,” pahayag ng kapatid.

Pinasinungalinan din ng BHB-Central Panay ang pahayag ni Sison. “Walang katotohanan ang pahayag ng militar na nagkaroon ng ikalawang engkwentro sa Sityo Tagbakan noong Disyembre 10 ng umaga,” pahayag ni Ka Siera Roja, media liaison officer ng yunit ng BHB.

Aniya, ang tanging engkwentrong naganap ay ang labanan ng BHB-Central Panay at yunit ng 82nd IB sa parehong sityo noong Disyembre 9 kung saan tatlong pasistang sundalo ng 82nd IB ang nasugatan.

Sa talaan ng Ang Bayan, hindi bababa sa 86 ang bilang ng biktima ng pampulitikang pamamaslang sa bansa ngayong 2023. Hindi bababa sa 60 sa mga biktima ay mga magsasakang pawang pinatay sa modus operandi ng AFP na mga pekeng engkwentro.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss