Aral pa more! Online learning para sa training at credentials – Pinoy Weekly

February 23, 2024


Mula sa mga YouTube cooking vlog, TikTok tips sa pag-iipon, hanggang sa mga payo ng iba’t ibang eksperto sa Facebook, hindi tayo nauubusan ng mapagkukunan ng bagong impormasyon online.

Idagdag natin sa mahabang listahan na ito ang Massive Open Online Courses (MOOC), mga kurso o subject na puwedeng kunin online, handog iba’t ibang unibersidad sa buong mundo. Dahil bukas sa lahat, kadalasan Ingles ang pangunahing wika ng pagtuturo at mga aktibidad.

  1. Libre lahat ng ito. Walang kailangan bayaran para gumamit ng MOOC, bukod sa ginagastos para sa internet ng cellphone o computer. Ang ilang unibersidad, maniningil ng bayad kung kailangan ng printed certificate.
  2. Makakapag-aral ka sunod sa sariling schedule. Hindi tulad ng mga klase sa mga paaralan, walang takdang oras para makatapos ng isang aralin sa mga MOOC. May mga MOOC na bukas buong taon, habang ang iba ay bukas nang ilang linggo o buwan.
  3. Posible itong mailista sa credentials para sa inaasam na trabaho. Mabibilang bilang training ang pagkuha ng MOOC. Kailangan lang siguruhin kung ilan ang nilista ng unibersidad na katumbas nitong oras ng training.

Nitong Enero, inanunsyo ng University of the Philippines Open University (UPOU) na naglatag sila ng programa para makapamahagi ng 24 MOOCs sa publiko.

Marami sa mga ito, makakatulong sa mga guro. Samantalang ang ibang mga kurso, magagamit ng marami, tulad na lang ng kurso para sa graphic design at video editing.

Ayon sa UPOU, posibleng ilista sa mga resume ang kanilang MOOC bilang “16-hour training.”

Ito ang schedule nila para sa taon:

Hindi lang UPOU ang mapagkukunan ng MOOC. Kung may pagkakataon at pangangailangan, subukan lang maghanap sa browser ng topic at idagdag ang salitang MOOC sa search bar. Puwedeng i-type ang “Entrepreneurship +MOOC” at maraming kurso na ang lalabas. Kaya tara na!



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Ang Bayan » Tuluy-tuloy na protesta kontra masaker sa kabuhayan ng tsuper at opereytor, ikakasa

Magtutuluy-tuloy ang protesta at sama-samang pagkilos ng mga tsuper at

No room for foreign exploitation, intrusion after PH-US Friendship Day –

“Wala tayong kaibigan na mapagsamantala. Wala tayong kaibigan na nanghihimasok