Araw ng Kagitingan – Pinoy Weekly

April 9, 2024


Walumpu’t dalawang taon ang nakalipas mula nang bumagsak ang Bataan matapos itong isuko sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kinikilala bilang Araw ng Kagitingan, ating balikan at alalahanin ang katapangan na ipinamalas ng mga sundalo para ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa.

Naharap ang mga sundalong Pinoy at Amerikano na bumubuo sa United States Armed Forces in the Far East (Usaffe) sa matinding sagupaan laban sa mga Hapon bilang bahagi ng pagpapatupad ng War Plan Orange-3, kung saan Bataan ang magiging sentro ng pagdepensa sa bansa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noong Abr. 9, 1942, opisyal ipinahayag ni 3rd Lieutenant Normando Ildefonso Reyes ang ang mensahe ni Capt. Salvador Lopez sa pamamagitan ng Voice of Freedom Radio Broadcast, na bumagsak na ang Bataan at ito rin ang dahilan kung bakit kilala sa tawag na Fall of Bataan Day ang Abr. 9.

Dambana ng Kagitingan sa tuktok ng Mt. Samat sa Bataan. Dambana ng Kagitingan/Facebook

Sa loob ng 93 na araw o mahigit apat na buwan, ang mga sundalo’y lumaban at nakaranas ng kaliwa’t kanan na karahasan, pambobomba at barilan. Ang Pilipinas ang huling bansa mula sa Timog Silangang Asya ang sumuko sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pagkatapos sumuko ng humigit kumulang sa 70,000 sundalo bilang prisoners of war, naganap ang kilalang Bataan Death March, kung saan pinaglakad sila ng mahigit sa 100 km. mula Mariveles, Bataan patungo sa San Fernando, Pampanga at pagkatapos ay isinakay sa mga tren papuntang Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac.

Bilang bahagi ng pagkilala sa mga sundalo at indibidwal na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bansa, ipinasa ng Kongreso noong 1961 ang Batas Republika 3022, kung saan ginawang isang opisyal na holiday ang Abr. 9 para sa Bataan Day na kalaunan ay naging Araw ng Kagitingan sa bisa ng Executive Order No. 203 noong 1987.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

UN expert bats for disbanding of ‘anti-communist’ task force, repeal of Anti-Terrorism Act

UN Special Rapporteur Ian Fry presenting to the media his

Helping to Protect the Okavango Basin

Labore nonumes te vel, vis id errem tantas tempor. Solet