Arkidiyosesis ng Maynila, nanawagan ng araw ng panalangin para sa Gaza

October 26, 2023


Ni MARC LINO ABILA
Pinoy Weekly

Nanawagan ang Arkidiyosesis ng Maynila ng araw ng pananalangin, pag-aayuno at pagpapakasakit para sa kapayapaan sa darating na Oktubre 27, Biyernes, bilang tugon sa panawagan ng Papa Francisco.

Sa circular na nilagdaan ni Father Carmelo Arada Jr., vice chancellor ng arkidiyosesis, nitong Oktubre 23, hinimok niya ang mga parokya at komunidad na magsagawa ng mga aktibidad tulad ng “Mass for Peace, Adoration of the Holy Eucharist/Holy Hour, pagdarasal ng santo rosaryo at iba pang selebrasyon ng Salita ng Diyos.”

Sakop ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mga lungsod ng Maynila, Pasay, Makati, Mandaluyong at San Juan.

Tugon ito sa panawagan ni Papa Francisco sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Palestine at Israel na patuloy na kumikitil ng mga buhay ng mga sibilyan at naglalagay sa panganib ng maraming mamamayan, partikular sa teritoryong Palestino na Gaza Strip.

Nanawagan din ang Santo Papa na panatilihing bukas ang mga daanan upang agarang makapaghatid ng tulong sa mga naiipit sa labanan at pagpapalaya ng mga bihag.

“Ako’y nababahala [at] nagdadalamhati. Ipinagdarasal ko at inilalapit ko ang aking sarili sa lahat ng mga nagdurusa, sa mga bihag, sa mga sugatan, sa mga biktima at kanilang mga pamilya,” sabi ng Santo Papa sa wikang Italyano sa kanyang mensahe matapos ang pananalangin ng Angelus noong Oktubre 22 sa Vatican City.



Source link

Don't Miss

Military Situation In Syria On May 9, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image On May 9, the Russian

Ang Bayan » Mga samahang maralita sa Negros Occidental, ginigipit ng militar

Anim na aasosasyon ng mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda