Bai Bibyaon, lider-Lumad, 90

December 6, 2023


Pumanaw na sa edad na 90 si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay, isang lider-Lumad mula sa Matigsalug tribe ng Talaingod, Davao del Sur noong Nob. 20. Siya ang kauna-unahang babaeng tribal chieftain ng mga Talaingod Manobo

Nakilala si Bai Bibyaon sa kaniyang mga kontribusyon sa kilusan at pag-aalay ng kanyang buhay sa pakikibaka para sa karapatan ng mga katutubong mamamayan. 

Lumahok din siya sa pangayaw o tribal war laban sa Alcantara and Sons logging company na nanghimasok sa kanilang lupang ninuno sa Pantaron Range noong 1994.

Pinili ni Bai Bibyaon na hindi magpakasal upang ituon ang kanyang atensiyon sa pagtatanggol at paglilingkod sa kanyang komunidad. 

Ayon sa report ng Kilab Multimedia noong 2016, para kay Bai Bibyaon, hindi na kailangan ang pagbuo ng sariling pamilya dahil itinuring niya ang buong komunidad nila bilang sariling pamilya.

Ang mga anak ng kapwa niya Manobo ay mga anak din niya at itinuring niya ang buong komunidad nila bilang kanyang sarili.

Nag-ambag din siya ng mga pagbabago sa atrasadong pyudal-patriyarkal na kultura sa mga komunidad ng Lumad at nagsilbing mentor, guro and isa sa mga founder ng mga Lumad school sa Mindanao.

Gayunpaman, ilang taon nang hindi nakauuwi si Bai Bibyaon dahil sa mga banta sa kanyang seguridad. Sa kabila ng hirap na hindi makauwi sa kanyang lupang ninuno, nanatili pa rin siyang matatag sa kanyang pangako sa pagpapalaya at pagpapasya sa sarili.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Military Situation In Syria On April 15, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image On April 15, the Russian

Teachers in England Stage Second Strike This Week

On Friday, several schools across England were closed or reduced