Crochet bracelet para kay bespren – Pinoy Weekly

May 26, 2024


Gusto mo bang lumikha ng yaring-kamay na regalo para sayong kaibigan ngayong patapos na ang pasukan? Huwag mag-alala dahil mabilis lang makabuo ng ginantsilyong pulseras o crochet bracelet na mayroong dalawang kulay.

Ihanda ang mga sumusunod na materyales:

  • Karayom na panggantsilyo o crochet hook (3.5 mm)
  • Dalawang magkaibang kulay na makapal na sinulid o yarn
  • Gunting
  1. Mag-iwan ng dalawa hanggang tatlong pulgada ng sinulid.
  2. Iikot ang dalawang kulay ng sinulid sa hintuturo at hinlalato upang makabuo ng letrang X.
  1. Kumuha ulit ng dalawang kulay ng sinulid at iikot sa hintuturo at hinlalato.
  1. Kunin ang unang kumpol ng dalawang sinulid at iangat sa ikalawang kumpol. Slip knot ang tawag sa una hanggang ikaapat na hakbang.
  1. Ipasok ang karayom sa gitna ng butas saka hilain ang magkabilang dulo.
  1. Pumili ng isang kulay ng sinulid at ipatong ito sa karayom.
  1. Ilusot ang napiling kulay sa kumpol ng dalawang kulay na sinulid.
  1. Ipatong ang ikalawang kulay ng sinulid sa karayom.
  1. Iikot ang karayom sa unang kulay saka ito ilusot sa butas ng kumpol na sinulid.
  1. Ulitin ang ikawalo at ikasiyam na hakbang hanggang sa nais na laki ng pulseras.
  1. Iikot sa karayom ang dalawang kulay ng sinulid at sabay itong ilusot sa butas.
  1. Hilain ito hanggang makaabot sa dalawa hanggang tatlong pulgada ng sinulid saka gupitin.
  1. Ipatong ang unang kulay ng sinulid sa ikalawa tapos ang ikalawang sinulid naman sa una. Ulitin ang prosesong ito pero ang ikalawang kulay ang mangunguna upang ma-i-lock ang pulseras. Square knot ang tawag sa prosesong ito.
  2. Kunin ang magkabilang dulo ng pulseras saka gumawa ulit ng square knot upang ma-i-lock ang kabuuan ng pulseras.
  1. Tapos na! Maaari mo na itong iregalo sayong mga mahal na kaibigan, bestie o tropa. Samahan mo na rin ng pasasalamat at matamis na “I love you, beshie ko!”



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

OFWs in HK press DMW’s Ople for response to demands

Migrant workers in Hong Kong (HK) are demanding a response

California Trucking Industry Aims to Zero-Emissions Standards

On Thursday, the state of California and some of the