Daan-daang OFW na pinagbawalan sa Kuwait, pinababayaan

May 29, 2023


Umabot na sa 815 overseas Filipino workers (OFW) ang naitalang apektado ng bagong patakaran ng bansang Kuwait na pagbabawal matapos ianunsyo ng gubyerno ng naturang bansa ang pagsuspinde nito sa lahat ng tipo ng entry visa para sa mga manggagawang Pilipino.

Sa pahayag ng Migrante International, kinundena nito ang gubyerno ng Kuwait sa pagbabawal sa pagpapapasok at pagbalik sa trabaho ng mga OFW. Kabilang sa kanila ang mga nakakuha na ng Overseas Employment Certificate (OEC). Ang 514 sa kanila ay handa na sanang umalis at naghihintay na lamang na makalipad palabas ng bansa bilang mga domestic worker.

Nagmula ang desisyon ng Kuwait sa diumano ay paglabag ng gubyerno ng Pilipinas sa labor bilateral agreement na naglalaman ng pangangalaga at proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipinong nasa Kuwait. Inalmahan ng Kuwait ang pagbibigay ng embahada ng Pilipinas sa bansa ng kanlungan at akmang tulong sa mga Pilipinong biktima ng pagsasamantala at abuso sa kamay ng mga amo nilang Kuwaiti at sa kahinaan sa pagsugpo ng laganap na iligal na pangongontrata.

“Dapat lamang na itaguyod ang pangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa laluna ang mga domestic worker na may pinakamalaking porsyento ng mga OFW sa Kuwait at siya ring pinakabulnerable sa pagsasamantala at sekswal na pang aabuso at karahasan,” ayon sa grupo. Noong 2022, hindi bababa sa dalawang OFW sa Kuwait ang biktima ng iba’t ibang anyo ng abuso, kabilang ang rape.

Panawagan ng Migrante na ibasura ang sistemang Kafala na nagsisilbing kadena sa pagitan ng amo at migranteng manggawa para ipatupad ang pangkalahatang pagkontrol nito sa kanilang empleyado.

Samantala, wala pa ring ginagawang hakbang ang administrasyong Marcos Jr para resolbahin ang suliranin na ito maliban sa pagbibigay ng kakarampot na ₱30,000 na ayuda sa mga apektadong manggagawa.

“Patunay lamang ito na hindi sapat ang patakarang labor para tugunan ang pangangailangang trabaho ng mga Pilipino. Pinapanatili lang tayo nitong nakaasa sa pabago-bagong demand ng iba’t ibang bansa at inilalagay lang tayo sa kalagayang mas bulnerable sa pagsasamantala.” dagdag ng Migrante International.

Tinatayang mahigit 280,000 ang kabuuang bilang ng mga migranteng Pilipino na nanganganib mawalan ng kabuhayan dulot ng ban ng Kuwait.

The post Daan-daang OFW na pinagbawalan sa Kuwait, pinababayaan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

ILO 190, niratipikahan na – Pinoy Weekly

Niratipikahan ng Senado nitong Dis. 11 ang International Labour Organization

Why won’t they heed people’s voice vs Cha-cha?

Opposition to Charter change has doubled from a year ago