Uncategorized

Evacuees ng Brgy. Bagong Silangan, umaaray sa kakulangan ng pagkain –

Hirap pa ring makabalik sa kanilang mga tahanan ang maraming residente ng Barangay Bagong Silangan matapos ang halos isang linggong walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Crising, na pinalakas pa ng southwest monsoon o Habagat.

Isa sa mga matinding naapektuhan ang pamilya ni Ching Fernandez, 41 taong gulang, na nakatira sa isa sa mga low-lying areas ng nasabing barangay. Ayon sa kanya, Sabado pa lamang, Hulyo 19, ay lumikas na sila sa limang palapag na evacuation center ng barangay matapos magsimulang bumuhos ang malalakas at sunod-sunod na ulan.

“Nang mapansin naming walang tigil ang ulan, agad na kaming lumikas. Mahirap na, lalo na’t may mga bata, ” ani Fernandez.

Ang Brgy. Bagong Silangan ay itinuturing na isa sa mga pinakabahaing lugar sa Quezon City dahil sa lokasyon nito malapit sa Marikina River at San Mateo Creek systems. Tuwing may malalakas na pag-ulan, mabilis itong lumulubog sa baha.

Sa lakas ng ulan at taas ng tubig, halos umabot na sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Fernandez ang baha, dahilan upang masira ang kanilang tirahan at ilang bahagi ng mga pangunahing gamit at ari-arian.

Dahil dito, nahihirapan pa silang makabalik. Nadagdagan pa ang problema ng pamilya nang hindi makapasok sa trabaho ang asawa ni Fernandez.

Ayon kay Justine Bjorn Dollesin, miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC), agad silang nagsagawa ng preemptive evacuation upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Subalit, hindi naging madali ang pagpapalikas. Ayon kay Dollesin, may ilang residente pa rin ang tumangging lumikas dahil sa takot na manakawan o mawalan ng bantay sa kanilang mga bahay.

Ayon sa datos ng barangay, umabot sa 2,004 pamilya o higit 7,196 indibidwal ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa 17 evacuation sites. Kabilang sa mga evacuee ay mga matatanda, persons with disability (PWD), at mga kananayan.

Upang mapadali ang pamamahala sa mga evacuee, nagsagawa ang barangay ng profiling sa ilalim ng Computerized Evacuation Management Information System (CEMIS). Layon nito ang mas mabilis na pagkuha ng datos ng mga dumadating sa evacuation centers at ang agarang pagtukoy sa mga pamilyang naninirahan sa mga low-lying areas ng barangay.

Dahil sa mataas na bilang ng evacuees, nahirapan ang barangay na maibigay ang sapat na pagkain sa lahat. Ang pagkaing ito ay karaniwang mula sa Social Services Development Department (SSDD).

“Nagkaroon na kami ng problema riyan noon pa. Ayon sa mga evacuee sa ikaapat at ikalimang palapag, hindi na sila nakakatanggap ng pagkain dahil sa dami ng evacuees,” dagdag ni Dollesin.

Dahil dito, gumagawa na ng sariling pagsisikap at pamamaraan ang ilang pamilya tulad nina Fernandez upang makakain. Bumibili sila ng pagkain o kinukuha ang naimbak nilang suplay sa kanilang bahay sa kabila ng panganib dulot ng mataas na tubig-baha.

Bilang tugon, ilang youth-led organizations, simbahan, at iba’t ibang volunteer groups ang nagsagawa ng feeding programs at donation drives para matugunan ang kakulangan sa pagkain at iba pang pangangailangan.

Dahil sa lawak ng pinsala, nagdeklara na ng state of calamity ang Quezon City LGU batay sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC).

The declaration was based on the recommendation of the QCDRRMC, which confirmed that the criteria outlined under NDRRMC Memorandum Order No. 60, s.2019 were met. These include: over 15% of the population affected; disruption of lifelines and essential services; the enforcement of preemptive and forced evacuations; and ongoing search, rescue, and relief operations, as well as damage assessments,” ayon sa pahayag ng lungsod.

Ayon sa pinakahuling datos, aabot sa 9,925 pamilya o higit 32,892 indibidwal mula sa 44 na barangay sa Quezon City ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center ng lungsod.

Sa ngayon, wala pang pormal na panukala mula sa lungsod hinggil sa pagbabalik ng mga evacuee sa kanilang mga tahanan. Gayumpaman, pinapayagan na silang bumisita upang simulan ang paglilinis at pag-aayos ng kanilang mga bahay habang hinihintay ang opisyal na pahintulot mula sa pamahalaan.

Hirap pa ring makabalik sa kanilang mga tahanan ang maraming residente ng Barangay Bagong Silangan matapos ang halos isang linggong walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Crising, na pinalakas pa ng southwest monsoon o Habagat.

Isa sa mga matinding naapektuhan ang pamilya ni Ching Fernandez, 41 taong gulang, na nakatira sa isa sa mga low-lying areas ng nasabing barangay. Ayon sa kanya, Sabado pa lamang, Hulyo 19, ay lumikas na sila sa limang palapag na evacuation center ng barangay matapos magsimulang bumuhos ang malalakas at sunod-sunod na ulan.

“Nang mapansin naming walang tigil ang ulan, agad na kaming lumikas. Mahirap na, lalo na’t may mga bata,” ani Fernandez.

Ang Brgy. Bagong Silangan ay itinuturing na isa sa mga pinakabahaing lugar sa Quezon City dahil sa lokasyon nito malapit sa Marikina River at San Mateo Creek systems. Tuwing may malalakas na pag-ulan, mabilis itong lumulubog sa baha.

Sa lakas ng ulan at taas ng tubig, halos umabot na sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Fernandez ang baha, dahilan upang masira ang kanilang tirahan at ilang bahagi ng mga pangunahing gamit at ari-arian.

Dahil dito, nahihirapan pa silang makabalik. Nadagdagan pa ang problema ng pamilya nang hindi makapasok sa trabaho ang asawa ni Fernandez.

Ayon kay Justine Bjorn Dollesin, miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC), agad silang nagsagawa ng preemptive evacuation upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Subalit, hindi naging madali ang pagpapalikas. Ayon kay Dollesin, may ilang residente pa rin ang tumangging lumikas dahil sa takot na manakawan o mawalan ng bantay sa kanilang mga bahay.

Ayon sa datos ng barangay, umabot sa 2,004 pamilya o higit 7,196 indibidwal ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa 17 evacuation sites. Kabilang sa mga evacuee ay mga matatanda, persons with disability (PWD), at mga kananayan.

Upang mapadali ang pamamahala sa mga evacuee, nagsagawa ang barangay ng profiling sa ilalim ng Computerized Evacuation Management Information System (CEMIS). Layon nito ang mas mabilis na pagkuha ng datos ng mga dumadating sa evacuation centers at ang agarang pagtukoy sa mga pamilyang naninirahan sa mga low-lying areas ng barangay.

Dahil sa mataas na bilang ng evacuees, nahirapan ang barangay na maibigay ang sapat na pagkain sa lahat. Ang pagkaing ito ay karaniwang mula sa Social Services Development Department (SSDD).

“Nagkaroon na kami ng problema riyan noon pa. Ayon sa mga evacuee sa ikaapat at ikalimang palapag, hindi na sila nakakatanggap ng pagkain dahil sa dami ng evacuees,” dagdag ni Dollesin.

Dahil dito, gumagawa na ng sariling pagsisikap at pamamaraan ang ilang pamilya tulad nina Fernandez upang makakain. Bumibili sila ng pagkain o kinukuha ang naimbak nilang suplay sa kanilang bahay sa kabila ng panganib dulot ng mataas na tubig-baha.

Bilang tugon, ilang youth-led organizations, simbahan, at iba’t ibang volunteer groups ang nagsagawa ng feeding programs at donation drives para matugunan ang kakulangan sa pagkain at iba pang pangangailangan.

Dahil sa lawak ng pinsala, nagdeklara na ng state of calamity ang Quezon City LGU batay sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC).

“The declaration was based on the recommendation of the QCDRRMC, which confirmed that the criteria outlined under NDRRMC Memorandum Order No. 60, s.2019 were met. These include: over 15% of the population affected; disruption of lifelines and essential services; the enforcement of preemptive and forced evacuations; and ongoing search, rescue, and relief operations, as well as damage assessments,” ayon sa pahayag ng lungsod.

Ayon sa pinakahuling datos, aabot sa 9,925 pamilya o higit 32,892 indibidwal mula sa 44 na barangay sa Quezon City ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center ng lungsod.

Sa ngayon, wala pang pormal na panukala mula sa lungsod hinggil sa pagbabalik ng mga evacuee sa kanilang mga tahanan. Gayumpaman, pinapayagan na silang bumisita upang simulan ang paglilinis at pag-aayos ng kanilang mga bahay habang hinihintay ang opisyal na pahintulot mula sa pamahalaan.

Source link

Manila Today
Manila Today

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning