Ginisang Labong – Pinoy Weekly

July 20, 2024


Nutrition Month ngayong Hulyo! At ayon sa mga kaibigan natin sa Gulay Lang, isang grupo ng mga kusinerong vegan na sumusuporta sa pakikibaka ng mga magsasaka, napapanahon ang pagluluto ng labong.

Hindi lang nakakatulong sa ating resistensiya, kundi sa pagiging malusog ng ating tiyan dahil puno itong fiber at zinc.

Noong Hunyo 30, nagkampo ang mga magbubukid sa Maynila bilang preparasyon sa kinabukasang Martsa ng Magbubukid para sa tunay na reporma sa lupa. At itong simple pero masustansiyang ginisang labong ang hinain ng mga taga-Gulay Lang at iba pang boluntir sa mga naghandang magprotesta. Ayon sa kanila, sakto raw para may lakas ang mga bisig ng mga tutungo sa paanan ng Mendiola.

Nag-iimbita rin naman ang Gulay Lang sa kanilang “Alternative Proteins” workshop sa darating na Ago. 14. Mag-register lamang sa kanilang Facebook Page: facebook.com/gulaylangph.

  1. Labong
  2. Saluyot o iba pang mga dahong gulay
  3. Bawang
  4. Sibuyas
  1. Pakuluan ang labong
  2. Habang nagpapakulo, ihanda ang iba pang mga sangkap
  3. Hiwain ang bawang, sibuyas at panggisa
  4. Himayin ang saluyot
  5. Pigain ang napakaluang labong
  6. Igisa ang bawang at sibuyas
  7. Ihalo ang labong
  8. Lagyan ng kaunting tubig hanggang maluto
  9. Lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa
  10. Ilagay ang saluyot
  11. Ihain kasama ang mainit na kanin



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

PRWC » Tatlong aksyong militar, magkakasunod na inilunsad ng BHB-West Camarines Sur

Walang pagsidlan sa tuwa ang masang Bikolano sa tagumpay ng

Locsin hit for ‘death to Palestinian children’ tweet

Moros and migrants condemned Philippine Ambassador to the Court of