“Hindi tayo tutol sa modernisasyon, tutol tayo sa hindi patas na transition at consolidation” – tsuper –

November 23, 2023


“Kami po ay isang asosyasyon na nagpaconsolidate sa LTFRB na ngayon kami ay naghihirap at hindi po totoo na ang konsolidasyon ay aangat ang ating kabuhayan,” ani Rommel Odevilas.

Bahagi si Odevilas sa mga tsuper at operator na nagmartsa mula Welcome Rotonda hanggang Mendiola para ipakita ang kanilang nagkakaisang tindig laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ang PUVMP ay naipatupad sa pamamagitan ng inilabas ng Department of Transportation (DOTR) Order No 2017-011 o ang Omnibus Franchising Guidelines (OFG) na nagtutulak sa mga tsuper at operator na pumaloob sa franchise consolidation na magtatapos na hanggang sa ika-31 ng Disyembre.

Bogus at huwad na consolidation

Singhal ni Odevilas na ang iskemang consolidation ng parang kumunoy na pilit na naglulubog sa mga maliliit na tsuper at operator sa kabila ng iba’t iba pang krisis na kanilang kinahaharap tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang batayang bilihin.

Si Odevilas ay bahagi ng Guadalupe First Taguig Integrated Operators Drivers Association Inc (GUAFTIODA) kung saan mayroong 57 na ang nagpaconsolidate sa 250 kasapian ng kanilang asosasyon.

Taong 2019 pa nang sila ay pumaloob sa franchise consolidation dahil ito ang tulak ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), pagbabahagi ni Odevilas.

“Kami po ay niligawan ng isang Chinese na siya ay magfiifnance ng modern jeepney. At sa magandang offer nila sa kanilang pananalita, kahit mababa at hindi sapat ang kanilang offer, ay pumayag kami sa kanilang kagustuhan at kagustuhan din ng gobyerno at LTFRB,” saad niya.

Para naman kay Jose Ramos, isa ring tsuper, hindi makatarungan ang ginagawa ng gobyerno, DOTr, at LTFRB. Sa katunayan, hindi naman tutol ang mga tsuper at operator sa pagkakaroon ng modernisasyon ngunit hind isa programang itinutulak ng gobyerno.

“Ang coop kaya gusto nila ito dahil may porsyento silang nakukuha. Sa isang kooperatiba kailangan may 15 units para makakuha rin ng ruta,” ani Ramos.

Hindi rin naganyak si Diony Bendoy sa usapin ng pagkakaroon ng provisional authority matapos pumaloob sa consolidation.

“Sige sabi ng LTFRB magbibigay ng limang taong prangkisa, pero papaano naman kung wala na ang unit mo at nakapaloob sa provisional authority? Parang mga walang isip na yumuyurak sa karapatan ng mamamayang naghahanapbuhay,” ani Bendoy.

Bahagi ito sa mga sinabi ni LTFRB chair Teofilo Guadiz III sa pakikipagdayalogo sa ang mga tsuper at operator sa unang araw ng tigil-pasada noong ika-20 ng Nobyembre.

“Hindi tayo tutol sa modernisasyon, tutol tayo sa hindi patas na transition at consolidation. Anti-poor ito. Kukunin po sa atin ang ating prangkisa at kabuhayan at isusurrender po natin sa mayamang negosyante at kooperatiba,” paglalahad ni Odevilas.

Usaping kabuhayan

“Parang ang modernization program na gusto ng gobyerno kung maihambing ko, lahat ng lumang sari-sari store dapat modern nalang, huwag nang payagan at magagarang sari-sari store nalang; gayundin sa drayber,” pagbabahagi ni Bayan Muna representative Atty. Neri Colmenares.

Aniya, isyu ng kabuhayan ang usapin ng modernization.

Hindi rin nakagaganyak para sa kanya ang sinasabing “pag-aaralan” ng LTFRB ang higit anim na taon nang karaingan ng mga tsuper at operator hinggil sa PUVMP.

“Dapat naaral na nila iyon eh bakit pag-aaralan na naman? Kung pag-aaralan na naman ay parang pinaghihintay mo ulit ngayon sa isang solusyon na hindi rin naman mangyayari. Makatwiran lang na ang mga tsuper ay hindi na maniwala sa bagong pangako dahil wala namang pinangako except na aaralin na hindi naman sasagot sa kanilang problema na mawawalan sila ng trabaho,” ani Atty. Colmenares.

Ayon kay PISTON chair Mody Floranda, hindi lamang sa tatlong araw na tigil-pasada matatapos ang pagkilos ng sektor ng tranportasyon.

“Hindi kailanman matatapos ang pagkilos ng mga drayber at operator hangga’t hindi ibinabasura ang 2017-011, hangga’t hindi tinatanggal ang deadline na December ay hindi hihinto ang masang tsuper para ipagtanggol ang kabuhayan at karapatan. Ang administrasyon ni BBM ay hinahamon natin na ibasura ang OFG sa ilalim ng huwad at bogus na modernization program,” ani Floranda.

Dagdag ni Floranda na muling lalahok ang mga tsuper at operator sa darating na ika-30 ng Nobyembre para gunitain ang Araw ng Masang Anakpawis

“Iguguhit sa kasaysayan na ang sektor ng transportasyon ay kasama sa pakikibaka para sa tunay na demokrasya ng sambayanang Pilipino,” pagbabahagi ni Floranda.



Source link

Don't Miss

Ang Bayan » Pag-ipit ng rehimeng US-Marcos sa kapital ng China, inalmahan ng lokal na burgesya-kumprador

Umalma si Teresita Sy-Coson, vice-chairperson ng SM Investment Corporation at

PNP, tumangging tumulong sa pamilya ng mga nawawalang aktibista sa Bataan – Pinoy Weekly

Larawan mula sa Surface Jonila and Jhed Network. Halos dalawang