Ibalik ang 5 taong prangkisa–Piston, Manibela – Pinoy Weekly

April 22, 2024


Dalawang linggo bago ang deadline ng franchise consolidation, muling nagkasa ang Pagkakaisa ng Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston), Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) at iba pang sumusuportang grupo ang isang malawakang tigil-pasada noong Abril 15-16 sa patuloy na panawagan na ibasura Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

“Mula administrasyon ni Noynoy, Duterte at ngayon kay Marcos Jr., sinubukan nilang i-phaseout ang mga dyip. Pero dahil sa ating paninindigan at paglaban, hindi pa rin phaseout ang tradisyonal jeepneys,” ani ni Piston secretary general Ruben Baylon.

Patuloy ding nananawagan ang Piston, Manibela at iba pang grupo ng mga komyuter na ibalik ang limang taong prangkisa ng mga jeepney.

Dagdag dito, itutuloy ng mga tsuper ang pamamasada kahit lagpas na ang deadline ng pagkokonsolida sa Abril 30.

Kristen Nicole Ranario/Pinoy Weekly

Sa kabila ng matinding init, tuloy ang caravan ng mga tsuper at opereytor mula University of the Philippines Diliman patungong Mendiola, Maynila subalit hinarang ng mahigit 6,000 na pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Welcome Rotonda sa Quezon City. 

Kasama ng iba’t ibang organisasyon, itinuloy ng mga tsuper at opereytor ang welga sa harap ng nakaharang na pulisya.

“Hindi mga tradisyonal na dyip ang dapat i-phaseout kundi makadayuhang modernisasyon [na] programa ng gobyerno. Nararapat lang na ipaglaban natin ang karapatan ng mga tsuper sa kanilang kabuhayan,” giit ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.

Ayon naman kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, makadayuhan ang PUVMP dahil hindi nito sinusuportahan ang mga lokal na tagayari ng dyip, bagkus kukuha pa sila mula sa ibang mga bansa.

Binahagi ni Jayson Kahilagutan, isang drayber ng Paranaque City Jeepney Operators and Drivers Association, ang kanilang planong magkampo simula sa Abril 30 kahit na matatamaan pa nito ang Araw ng Paggawa.

Ayon naman kay Piston-Batangas president Lito Andal, malapit na umano na magkaroon ng welga laban sa PUVMP sa kanilang lugar. Itutuloy nila ang pamamasada at pakikipaglaban kahit mawalan pa sila ng hanapbuhay o kaya naman kung ikamatay pa raw nila ito.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Egyptian Foreign Minister, UN Chief Discuss Gaza De-escalation

Egyptian Foreign Minister Sameh Shoukry discussed Thursday with UN Secretary-General

Peligro ng Cha-cha sa ekonomiya – Pinoy Weekly

Inaasahang matatapos na sa Marso ang talakayan sa Senado tungkol