Ika-50 taon ng NDFP, ipinagdiwang sa Timog Katagalugan

May 25, 2023


By BOY BAGWIS
Pinoy Weekly

Ipinagdiwang ng Melito Glor Command ng New People’s Army (MGC-NPA) sa Southern Tagalog ang ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines noong Abril 24.

Iginawad din ng MGC-NPA Southern Tagalog ang espesyal na pagpupugay sa mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na sina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon, kasama ang walong kasama pa na pinaslang sa karagatan ng Samar noong Agosto 21, 2022.

Ayon sa CPP, karumal-dumal na pagpaslang ang ginawa sa mag-asawa at walong kasama nito. Buhay silang nadakip ng militar at isinailalim sa matinding tortyur at pagpapahirap bago brutal na pinaslang.

Para pagtakpan ang kanilang krimen at ipagkait ang mga labi sa kanilang pamilya, lumikha ng gawa-gawang labanan sa dagat ang mga berdugo. Pinasabugan nila ang isang bankang de-motor na lulan ang mga bangkay.

Nagbigay naman ng mensahe si Ka Kathryn para sa ika-50 anibersaryo ng
NDFP. Kasabay ng pagbibigay ng 21-gun salute para sa 10 pinaslang.



Source link

Don't Miss